♪ I'm off the deep end, watch as I dive in I'll never meet the ground ♪ ~~~~~~~ Hindi pa man din kami nakakapasok sa mismong event hall kung saan gaganapin ang programa ay ilang beses na kaming naharang. Kung hindi ng mga media men ay ng mga kaklase naming noon. Kaniya-kaniyang pagkuha na nang larawan at kwentuhan. "Grabe sobrang ganda mo lalo, Aina!" "Anong hangin ba ang mayroon sa Maynila?" "Nasaan si Brandon? Sana sinama mo!" Ilan lamang yan sa mga paulit-ulit kong naririnig habang nakikipagkwentuhan. Ilang performers at banda na ang nagbibigay aliw sa amin ngayong gabi. Nakailang linga na din ako dahil hindi ako mapakali. Parang may kung anong naglalaro sa aking kalamnan na hindi malaman. "Excuse me lang. Restroom lang ako." Paalam ko kina Andra na abala sa pagkain at pakikipag

