CHAPTER 59 - You and Me

3188 Words

2 years later Nakatanaw si Andra at Thiago sa kabaong sakanilang harapan. Puno ng puting bulaklak ang paligid nito at may iba pang funeral flowers na padala ng kanilang mga kakilala at iba pang mahal sa buhay. Pinanonood nila ang mga bisitang isa-isang lumalapit upang sumilip at makiramay. Ang iba ay walang tigil ang pag-iyak dahil sa labis na hinagpis. Masiyadong mabilis ang pangyayari pero wala na silang magagawa. Ganoon talaga ang buhay. Hindi mo masasabi kung kailan matatapos. Suminghot si Andra at agad 'yong napansin ni Thiago. Inakbayan siya nito at hinimas ang balikat upang pakalmahin. "Aina would love to be here..." her voice cracked. "We'll visit her when we get back. Alam mo namang hindi pa niya kayang bumyahe ng matagal." Tumango na lamang si Andra pinahid ang mga luha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD