Huminto si Brandon sa harapan ng tabing dagat. Wala halos tao rito dahil medyo malayo na. Ni walang kibo siyang bumaba lang ng sasakyan at tumanaw sa dagat. Inis kong tinanggal ang seatbelt at lumabas na din kasunod niya. Hinawakan ko siya sa braso at pinaharap sa akin. "Tigilan mo na ako! Hindi na ako babalik ng Alberta! Hindi pa ba sapat na sinira mo na ako noon? Ano pa bang kaliangan mo?" hindi ko mapigilang lumuha habang sinasabi yun. Napababa ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sakaniyang braso. "I told you. I won't back down. Kung ano ang sakin... babawiin ko. Even if it means breaking you... again." Seryoso niyang sabi sabay hawi sa kamay ko. "Brandon please... Tama na..." pakiusap ko. "Kung kinakailangan kong dalhin ka pabalik para lang masira ulit silang lahat gagawin k

