Chapter 39 - Say Something

2030 Words

"Ang ganda talaga ng buhok mo, Thelma. Mahaba at makintab." masugid na sinusuklay ni Carmela ang buhok ni Anthelma sa may teresa ng mansyon na kaniyang pinagtatrabahuhan. Nakagawian nila na kapag nakauwi na si Anthelma mula sa eskwela ay tatambay sila sa teresa habang tanaw ang dalampasigan. Susuklayin ng kasambahay na si Carmela ang buhok niya at pagtapos ay gagawin niya pa itong braid. "Carmela, paano kapag nakagraduate na ako? Dito ka padin ba sa tabi ko? Wala ka bang balak mag-asawa?" tanong ni Thelma. "Hmm... Meron. Pero wala pa naman sa isip ko yan." kibit balikat ni Carmela. Halos apat na taon mula noong pumasok na si Thelma sa kolehiyo ay naging parte na ng kanilang pamilya si Carmela. Halos magkaedad lang sila ngunit mas maagang namulat si Carmela sa hirap kaya namasukan siyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD