Chapter 37 - Lover

3112 Words

Nagpatuloy ang pagtatago naming dalawa ni Thiago sa aming relasyon. We tried our best to hide everything even when it’s hard. Ilang araw pa ang lumipas at ang mga nakaw na sandali namin sa lumang music room ay nagpatuloy pa. Saksi ang bawat sulok nito sa matamis na pagmamahalan naming dalawa.   “Hindi ba tayo mahuhuli rito?” tanong ko habang magkatabi kaming dalawa sa isang lumang sofa.   Nakahiga kami parehas habang nakahilig ako sakaniyang dibdib. Isa itong lumang couch na noon pa nandito mula nung una naming nadiskubre itong lugar. Dahil madumi na dahil sa alikabok ay pumuslit ako ng bed sheet sa bahay upang dalhin rito at maging sapin.   “Just don’t mind them.” Nakapikit niyang sabi.   Ngumuso lamang ako at mahinang pinalo ang kaniyang dibdib. How can he be so cool about this?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD