Chapter 33 - I wanna be with you

1999 Words

Alas-tres na ng umaga pero nakatingala pa din sa kisame si Aina. Hawak ang dibdib na malakas ang kabog at ang kwintas na kasalukuyan niyang kinikuwestyon. Sino na nga ba ang sinisimbolo nito? Ano ba, Aina? Anong klaseng tanong yan? Syempre kay Theo! Ano ba? Si Theo ang nagbigay niyan! Sabi ng kabilang bahagi ng kaniyang utak. Pero alam niya sa sarili kung sino ba talaga. Dumapa na siya, tumagilid at tumihaya pero hindi man lang siya nakuhang dalawin ng antok! Bigo. Bigo si Aina sa kagustuhan niyang matulog. Mula sa puting kurtina ng kaniyang kwarto ay tumagos na ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw. Minulat niya ang isang mata at nadismaya kung paanong hindi man lang siya nakaidlip kahit isang oras. Kinuha niya ang unan at itinaklob sa mukha. "Brrrrrrrrrrrrrr!" sigaw niya sa il

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD