You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the sheets of paper lies my truth
I have to go, I have to go
Your hair was long when we first met
Hanggang pauwi ay hindi na kumibo si Aina. Wala na rin naman siyang balak pang pag-usapan ang mga nangyari. Nakatingin lamang siya sa kawalan at pilit kinakalimutan ang mapait na nangyari kanina. Hindi pa rin makapaniwala. She trusted Theo’s words and actions so much that seeing her with another girl hurt her most.
Nang magpasukan na ay ginugol na lamang ang sarili sa ibang bagay. SHE knew deep within that forgetting everything is impossible. Pero kailangan niyang kayanin at humakbang.
“I guess the playboy Theo is back.” Kumento ni Annika nang mapagusapan ang nangyari sa cafeteria.
“That’s odd. Kapag magkakasama kami nila Thiago. Wala siyang ibang binabanggit kundi ikaw.” Kibit balikat ni Brandon.
“Ewan ko ba kay kuya! I almost grab that girls hair!” pahisteryang sabi ni Andra.
“What happened to him.” Rinig niyang bulong ni Millie. Si Thiago naman ay tahimik lang sa tabi niya.
Ilang linggo na din pala ang nakakalipas mula ng malaman niya na buntis si Millie. Kailan niya kaya balak sabihin kay Thiago ang lahat? Halos isang buwan na din iyon. Lagi lang siyang nakajacket kaya hindi pa halata. Mabilis lang lumaki ang tiyan ng babae kapag nagbubuntis.
Even though she’s experiencing a heartache. She just smiled at them. Alam niya madami pa silang gustong sabihin pero nahihiya lang sila dahil masasaktan si Aina.
“Ayos lang ako. Huwag na lang natin sigurong pag-usapan.” Matamlay niya silang nginitian.
Umingay ang pag-hila ni Andra sakaniyang tabi ng isang monoblock chair.
“Mag-beach tayo sa weekend? Game? Para marefresh ka. Mawala lahat ng stress mo!” excited niya pang sabi.
“Pag-iisipan ko.” Ngiti nito at saka tumayo.
Paalis na sana siya ng marinig niya ang pagkakagulo ng mga babae sa cafeteria. Parang mga giraffe ang mga ulo nilang nagtataasan. Tumayo na din si Andra sa tabi niya at nakiusyoso.
“Anong meron?” bulong niya. Nagkibit-balikat na lamang si Aina.
Nanlaki naman ang kaniyang mata ng isang lalake ang pumasok sa cafeteria. Pamilyar ito sakaniya! Saan nga ba niya nakita? May sakbit na gitara sakaniyang balikat at bukas pa ang mga butones ng kaniyang polo kaya kita ang puting panloob nito. Nakangiti habang naglalakad kaya halos mangisay lalo ang mga babae sakaniya.
Luminga-linga pa siya kaya naman nang magtama ang paningin nila ni Aina ay lumawak ang kaniyang ngiti. Kumaway pa ito sakanilang gawi!
“You know him?” siko sakaniya ni Andra.
Hindi na nakasagot si Aina ng biglang tumakbo ang lalake papalapit sakaniya at niyakap siya bigla.
“I missed you!” kitang-kita ang dismaya at pagkainis ng mga babae sa paligid nila. Maging ang grupo nila Annika na nakaupo sa kanilang likuran ay nabigla.
“Lance?” tanong ni Aina nang humilay na sila sa pagkakayakap.
“No other than! Oh ayan ha? Nag-enroll ako.” Kinindatan pa niya si Aina na nagpatawa naman sa dalaga.
“Seryoso ba? Kaso super late enrollee ka na!”
“Basta! Ako na bahala dun!” natatawa pa nitong sabi.
“Ehem…” Andra coughed kaya napalingon sila sakaniya.
“Oh! Papakilala kita sa mga friends ko.” Tumabi naman ito sakaniya.
“This is Andra.” Sabay turo sa nanunuring kaibigan. Nilahad nito ang kamay kay Lance na agad namang tinanggap.
“Hi!”
“And here is my sister Annika with her boyfriend Brandon.” Ngumiti naman ang dalawa.
“This is Millie and her boyfriend… Thiago.” Kumaway si Millie samantalang tumango lang si Thiago. Suplado!
“Nice meeting you guys. Mauuna na muna ako kailangan ko pang hanapin yung building ko.” Natatawa niyang sabi sabay harap kay Aina.
“Anong building ka ba?” tanong ni Aina.
“4th year na ako. Una na ako ha? See you!”ngiti nito sabay gulo ng buhok ni Aina.
Sinundan ni Aina ng tingin ang naglalakad palayo na si Lance. Ilang mga babae ang mga sumalubong sakaniya na malugod niya namang pinansin. Ang iba ay nagpapakuha pa ng litrato at akala mo ay artista ito.
“Who was that? Paano mo nakilala?” halos hindi man lang muna siya paupuin ni Andra!
“Wala, nakilala ko lang sa…” napatingin si Aina sa kanila at kitang-kita ko na interesado talaga silang malaman maliban kay Thiago.
“May bar. Nung nakaraan na sinama ako ni Ate.” Tumango lamang sila.
“That’s good. At least natututo kana makisama.” Nginitian niya lamang si Annika.
“Know what? He’s cute. Para siya yung mga pretty boy na kpop? Makinis, maputi, at matangos ilong.” Kumento pa ni Andra.
Natawa na lamang sila maliban kay Thiago. Parang laging kay hirap niyang ngumiti!
Kapag mag-isa siya ay naglalagi lang siya sa lumang music room. Minsan gumagawa ng assigments, tumutogtog o natutulog. Lahat ng paraan para malibang ay ginagawa niya. Buhay padin ang Begonia. Matagal rin pala ang buhay nito.
NIlibot niya ang paningin sa buong silid. Naisip niya na sana noong kasama pa niya si Theo at natutugtugan niya ito rito, Tears stung her eyes. Agad niya itong pinahid. If this love is replaceable for him then this is not love in the first place then.
Love for her is irreplaceable and not temporary.
She opened the piano case and caressed the piano keys. As she closed her eyes a tear fell from her cheeks. She just ignored it and started playing the song on her head.
“You are my sweetest downfall…” nabiyak ang kaniyang boses dahil sa pagbadya ng mga luha ngunit nagpatuloy pa din siya.
She remembered everything he said. How much he love her and willing to risk anything for her. Why the sudden change? She asked herself many times.
“I loved you first, I loved you first…” nag-uunahan na nang lumabas ang kaniyag luha. Nanlalabo man ang mata ay patuloy lang siya sa pagkanta at pagtugtog.
How can I forget you? I know I should stop loving you right? Kasi pinili mo na ang iba kaysa sakin. You choose not to love me anymore so I should do the same right? Kahit ako pa ang nauna, kung pinili mo na siya. Wala na akong magagawa. Ani niya sakaniyang isipan.
“Beneath the sheets of paper lies my truth…” she wiped away the tears yet continued playing.
Memories are made forever. Especially the real and genuine one. Is her memory of them real then?
“I have to go, I have to go…” halos humahagulgol na si Aina habang kumakanta.
Naalala ko kung paano ko nagawang tumakbo at talikuran sila noong araw na yon. Kapag pala nasasaktan ka may mga bagay kang nagagawa na akala mo ay hindi mo kaya. Gaya ng magpanggap. Magpanggap na ayos lang ang lahat. Kahit sa loob mo ay dinudurog ka na.
“Your hair was long when we first met..” she stopped finally as she catch my breath and tries to suppress her tears.
This is so hard! How could I forget a guy who gave me so much to remember? You are so unfair Theo. If only I could not love you anymore. GInawa ko na.
“Mas maganda sana yang kanta kung hindi ka umiiyak.” Napalingon ako sa lalakeng nakasandal sa b****a ng pinto. His flashy and charming smile is still evident.
Hindi niya namalayan na nananonood na pala sakin si Lance. Nag-iwas siya ng tingin at pinahiran ang luha sakaniyang mukha bago hinarap ito.
“H-hindi a-ako u-umiiyak…” pilit niya pang sagot.
She heard his footsteps gently coming near her. Humarap si Aina sakaniya habang lumuhod naman si Lance sa tapat niya. Nakayuko lang si Aina pero pilit sinalubong ni Lance ang mga tingin niya.
“A-anong g-ginagawa mo dito?” nauutal na tanong ni Aina.
His serious face still remained. Looking at me intently. Making her feel conscious.
“Seems like your tears are too painful… Don’t lose yourself just for this, Aina.” Napatingin naman ako sakaniya.
How could he… say this things as if he knew my pain.
“We maybe knew each other for a short while… I know that this is not you. I hope whatever this pain is? It would make a better version of you.” I sniffed after hearing everything that he said.
Matapos non ay tumayo na siya at ginulo ang buhok ni Aina. Tumalikod na ito at naglakad na paalis. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam niya.
Ganon na nga ang ginawa ni Aina. As much as possible she occupied her time with things to be busy with. Madalas siyang sumama sa mall kay Andra o kaya manood ng sine. Minsan ay nanonood ng laro nila Brandon at Thiago. Kapag naman gusto niyang mapag-isa ay ang lumang music room ang tinatambayan niya.
Isang mainit na tanghali sa Alberta at tumatakbo si Andra patungo sa kaniyang gawi.
“Aina!”
“Andra?” humahangos pa ang kaibigan ng abutan siya nito.
“May nalaman ako!” yugyog niya kay Aina.
“Ano?” natatawa niyang tanong.
“Remember the guy you are friend with? Lance? And the bar where you met him? Kilala pala dun si Lance! Sikat kasi ang bar na pinupuntahan mo, Aina. As a matter of fact , yes. He is under the Valentino’s agency. Our agency!” siwalat ni Andra.
Nanlaki naman ang kaniyang mata! Bakit ba hindi niya naisip yun?
“Totoo? Ibig sabihin he’s probably in showbiz too? A celebrity or singer perhaps?” pahisterya niyang tanong sa kaibigan.
“Uhuh!” maarteng sagot naman ni Andra.
Nagkakagulo ang klase dahil sa kaniya-kaniyang ginagawa nang biglang pumasok na ang kanilang guro. Parang mga alagang pinakawalan sila at isa-isang bumalik na sa mga pwesto.
“Quiet Class! This is just a quick announcement! Alberta University will have their annual excursion. All levels! High school and college. This time? Boracay!” masayang anunsyo ng guro kaya naman nagsigawan ang buong klase.
Inalog pa ni Andra si Aina.
“Omg!” nginitian lamang siya ni AIna.
“Please lang ha? Mag-pakabait kayo don! I know this maybe a vacation for you guys but still we want you guys to learn. Like strengthened your friendship and allow yourself to find it’s peace. You deserve it after all.” Mas lalong umingay ang klase.
This is a calling she must say? Siguro nga ay kailangan niya munang magpahinga at magpakalayo. She needs to relax to calm her heart and mind.
“Theo…” a girl embraced him from behind.
Parang robot naman si Theo na hinarap ang babae at hinubad ang pang-ibabaw nito.
“Wait!” pigil naman ng babae sakaniya.
“Puro na lang ba tayo s*x? Let’s date Theo! I want a relationship with you!” sigaw ng babae.
Unti-unti namang kumalas si Theo sa babae.
“Leave, then.” Malamig nitong sabi.
Nanlaki naman ang mata ng babae.
“Wh-what?”
“You heard me. I can’t give what you want so better yet leave.” Sambit ni Theo sabay tayo at naglakad palabas ng veranda.
Ngitngit na lamang sa galit ang nagawa ng babae.
“Buti na lang pwedeng sama-sama tayo sa plane noh? I mean buti hindi per college.” Maligayang sabi ni Andra habang nasa airport na sila.
Napalingon si Aina kay Millie dahil namumutla ito. Siya lang ba ang nakakapansin? Bakit wala man lang nagsasabi sakaniya. Pasimple niya itong nilapitan habang wala pa itong katabi sa isang bench.
“Millie, are you alright? Namumutla ka.” Concern na tanong ni Aina.
“Yup, salamat sa pag-aalala. Buti hindi ako nagsusuka. Kaso may naamoy akong di ko gusto kanina kaya nahilo ako.” Natatawa pa nitong kwento.
“You need anything?”
“May lipstick ka? Magreretouch lang ako. Para hindi ako mukhang may sakit,” nakangiti nitong sabi.
NIlabas naman niya ang red lipstick sa bag at saka iniabot kay Millie.
“Sayo na yan. I haven’t used that.” Tumango naman si Millie bago tumayo.
“Thanks, CR lang ako.”
Unti-unti at halos napuno na ang Alberta International Airport ng mga estdyante. Punuin ba naman ito mula highschool students at college student eh ewan na lang. Some of the profits provided to give them a free trip came from Annika and Aina’s parents. That’s why they have a right to choose where to seat or what plane to ride.
“This is going to be fun!” excited na sabi ni Andra.
“I bought plenty of swimsuits! Of course it’s boracay!” seguna ni Annika.
“Where’s Milliecent?” tanong ni Brandon kaya napalinga silang lahat sa paligid ng airport.
Nagkibit balikat lamang si Thiago.
Maya-maya pa ay lumabas ito galing CR. Pilit na ngumiti habang papalapit sakanila.
“Where you’ve been? Kanina ka pa namin hinahanap.” Tanong ni Andra.
“Uh.. Nagretouch lang.” ngiti ni Millie.
“Attention students of Alberta University. You may now come on board.” Halos hindi magkamayaw ang mga estudyante ng marinig ang anunsyo.
Ang mga adviser nila para panatilihin na payapa ang mga estudyante sa airport hanggang makasakay sa eroplano.
Isa-isa na ngang sumakay ang lahat sa eroplano. Lahat ay nagagalak, excited at hindi mapakali,
Tabi si Aina at Andra. Millie at Thiago. Annika at Brandon.
Sa may tabi ng bintana si Aina pumwesto.
“Mag two piece tayo ha?” bulong ni Andra.
“What? Tumigil ka nga!” saway ni Aina. Tinawanan lamang siya ng kaibigan.
Inilagay ni Aina ang earphones sa tenga. It will take 1 hour and 45mins for them to reach Boracay. May oras pa siyang umidlip.
At ganun na nga ang ginawa niya. Sumandal siya sa head rest ng upuan at saka ipinikit ang mata.
She easily drifted herself to sleep. Siguro dahil ilang araw na din siyang kulang sa tulog.
After the straight 45mins of sleep she felt so relax and at ease. Para siyang nakaunan sa matigas ngunit kumportableng unan. Ang halimuyak nito ay nakakapang-akit sa pang-amoy. Nasa eroplano pa din ba ako?
Unti-unti ay dinilat niya ang kaniyang mata. Nakita niya naman na nasa eroplano pa din siya. Ang kinaibahan lang ay iba na ang posisiyon niya sa pagtulog. Takang-taka siya dahil kanina sa left side siya nakasandal dahil sa bintana. Nasa right side na siya ibig sabihin sa katabi niya na which is Andra.
Pasimple niyang iginala ang mata. Parang lumaki ang braso ni Andra? Gumaspang? Mabuhok at- Wait! This is not Andra!
Napabalikwas siya mula sa pagkakatulog at nilingon ang katabi. Nanlaki ang kaniyang mata at nalaglag ang panga,
Nakapikit ang mata at nakasandal din sa headrest ng upuan. His thin lips and pointed noise along with its adam’s apple is very evident.
“A-anong-“
“Ang baho daw ng pabango ko sabi ni Mil. Nakipagpalit siya ng upuan kay Andra.” Simple niyang sagot habang nakapikit pa din.
Nilingon niya kung nasaan sila nakaupo kanina at kumpirmado nga! Parehas pang tulog ang dalawa. Naisip niya, buntis nga pala si Milliecent kaya sensitibo ang pang-amoy nito.
“M-mabaho ka daw?” hindi niya alam pero may nag-udyok sakaniyang ilapit ang ilong niya sa mag leeg ni Thiago at amuyin nito.
Kinilabutan naman si Thiago hanggang batok. Ramdam niya ang hininga na nagmumula sa ilong ni Aina. Anong ginagawa nitong babae na to? Dinilat niya ang kaniyang mata at saka nilingon si Aina.
Nanlaki ang mata ni Aina nang napagtanto na halos kakarampot lamang ang pagitan nilang dalawa. Napakurap siya at napalunok ng ilang beses sabay biglang sumandal. Napaiwas siya ng tingin.
“H-hindi naman ah.” Sambit ni Aina sabay tingin sa labas ng bintana. Napakagat na lamang siya sa labi dahil sa kahihiyan.
Anong ginawa ko???