Chapter 3 - All Of The Stars

3996 Words
♪  It's just another night And I'm staring at the moon I saw a shooting star And thought of you ♪ Patungo sanang kusina si Andra para kumuha ng malamig na gatas ng mamataan niya ang kaniyang kapatid na mag-isa sa may pool area. Kunot noo niya itong sinilip bago napagisipang puntahan. "What's wrong, Kuya?" Andra asked. Nakahiga ito sa kanilang ledge lounger at nakatingala sa kalangitan habang sinasandalan nito ang kanang braso. Kung titignan mo si Theo tila malalim nga ang iniisip nito. Though, stars are shining brightly tonight. Umupo si Andra sa paanan ng kaniyang kuya. Theo didn't even move a muscle. He remained his stares at the stars like he sees something interesting there over anything else. "Andra." tawag niya sa kapatid na nakatingin lang sakaniya. "I like her." Theo said out of the blue. Sa pagkakataong ito ay sinulyapan niya na ang kapatid na nakangiti sakaniya. "Wala naman sigurong masama doon Kuya." hindi na kailangan pang banggitin ni Theo na si Aina ang tinutukoy niya. Alam na iyon ni Andra dahil nakikita niya palagi kung paano titigan ng kaniyang kuya ang dalaga. "You think so? But she's too pure...and innocent.." marahang sambit ni Theo. "And so? Then make her being pure and innocent worthwhile then. Don't make any move that might hurt her. Aina is not the kind of girl for flirtations, Kuya. Hindi siya tulad ng mga babae mo na parang brief mo lang kung ipagpalit-palit!  " seryosong sermon nito sakaniyang kuya. Binalingan siya ni Theo ay nginitian. Ginulo nito ang buhok ng kapatid. Sa isip-isip nito ay tama nga si Andra. Sa itsura pa lang ni Aina ay hindi talaga ito pang laro lang. She may be young at this time but he's willing to wait for her. It doesn't matter to him. At all. "Hanep sa advice ah? Hindi ka parin pwede mag-boyfriend!" tumayo ito at mas ginulo pa ang buhok ni Andra. "Kuya!" inis na sigaw nito sa kapatid.  Huling araw na ng bakasyon. Kinabukasan ay pasukan na kaya naman mariin ang utos ng kanilang ama na magpatuloy sa piano session si Annika. Tuwing weekend na lang ang sessions ni Annika at 3 hours per day na lang ito para makapagbigay daan sa pag-aaral niya. "Nag-ensayo ka ba ng maigi, Annika?" mariing tanong ni Miss Juliet. Wearing her tight cream polo buttoned blouse matched with her pencil cut skirt. Her hair is on a high bun with her rimmed eye-glasses on. And of course the stick that she's always holding when teaching Annika. Isang pagkakamali lang ay lalapat ito sakaniyang mga kamay. Annika swallowed hard. She know to her self that she didn't practice a bit. She enjoyed her freedom so much that she forgot about her piano lesson. "Y-yes. Miss." sagot nito. "Okay. Let's see." sa isang kumpas ng stick na hawak ni Miss Juliet ay pinagsimula na niya si Annika. Lumunok muli si Annika at nagsimulang ilapat ang mga daliri sa piano keys. Ngunit isang pindot pa lamang ay isang sintunadong tunog na ang nalikha niya. Tahimik lang na nanonood si Aina mula sa likod. Kinakabahan siya para sakaniyang ate. She know for a fact that her sister didn't put any effort on this kaya malilintikan talaga si Annika. "I thought you practiced!?" Miss Juliet shouted. Maging si Aina ay nagulat. Halos pumutok na ang mga litid nito sakaniyang leeg dahil sa galit kay Annika. "Mi-miss... Uulitin ko na lang-" maingay na lumapat ang patpat sa crystal piano. Itinaas niya sa ere ang patpat at akmang ipapalo sa mga kamay ni Annika ng maagap namang tumayo si Aina at hinawakan ang kamay ni Miss Juliet para pigilan. "What are you doing, Aina?" striktong tanong ni Miss Juliet. Kinakabahan man dahil sa takot ay hindi nagpatinag si Aina. She doesn't want to see her sister being hurt again. She wants to save her sister to this situation. "Ah..Since last day na po ng piano ni Ate Annika...Pwede po ba akong sumubok magpiano?" nakangiting sambit nito. Hinatak ni Miss Juliet ang kaniyang kamay mula sa pagkahahawak ni Aina at binalingan ito. "This is not a joke, Aina. 10 mins na lang at matatapos na itong klase namin!" may iba pa kasing tinuturuan si Miss Juliet kaya istrikto siya sa oras na nilalaan sakaniyang mga student. Ilang minuto lang na magextend siya ay malelate naman siya sa susunod na session. Nakahinga ng maluwag si Annika. Akala niya ay mapapalo na naman ang kamay niya. Isinusumpa niya talaga ang piano lesson na ito. "Please miss? Isa lang po!" pagpupumilit ni Aina. "Go! Bilisan mo!" iritang pagpayag nito. Marahang umupo si Aina sa tabi ng kaniyang ate. Sa ilang session niyang nanonood sa ginagawa nila ay medyo namemoryado niya na ang ibang keys. "Alaina, what are you trying to do?" mariing bulong ni Annika sa kapatid pero hindi siya pinansin. Bumuntong hininga na lamang si Aina bago nagsimula. She maneuvered the piano keyboard as if she's a pro. Mabagal man ang phasing ng kaniyang pagtipa ay tama at masarap sa pandinig ang kaniyang pagtugtog. Miss Juliet seems impressed. Patango-tango pa ito na nakadungaw sa ginagawa ni Aina.   Nagulat silang dalawa at napalingon kay Miss Juliet ng marahang pumalakpak ito. Tatlong malulutong na palakpak at sumilay ang kaunting ngiti mula sakaniyang mga labi. "That's quite good, Aina." mula sa pagkakangiti ay simangot naman ang iginawad nito kay Annika nang bumaling rito. "And for you, Annika. Mahiya ka naman sa kapatid mo! She's not even my student pero mas marunong pa siya sayo! See you on the weekend and make sure to give me some satisfying session. Nasasayang ang binabayad ni Mayor Virgilio sayo." mariing sambit ni Miss Juliet bago nagmartsa palabas ng piano room. Bumuga ng hangin si Annika at nagkuyom ang mga palad. "A-ate? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Aina pero galit siyang nilingon ni Annika. Hinawi nito ang kamay niya na nakahawak sa balikat niya bago marahas na tumayo. "What now? You gonna shove to my face how you did this thing that I was not able to do for several attempts?" galit na paratang nito sa kapatid. "Ate Annika, Hindi! You got it wrong-" hindi na natapos ni Aina ang pagpapaliwanag dahil mabilis na tumakbo palabas ang kaniyang ate. She sadly sighed. Ayos na 'yon. Atleast hindi na nasaktan ang ate niya. Yun naman ang importante sakaniya. Dumiretso na lang siya sakaniyang kwarto para mag-ayos ng gamit para bukas. Sadly, college lang ang hindi required mag-uniform. Sila Aina naman ay puting buttoned blouse at navy blue na palda hanggang tuhod ang uniform. Kinakabahan siya sa unang araw sa eskwela. Wala pa siyang mga kaibigan bukod kina Andra. Noong nasa Valencia siya ay marami din siyang naging kaibigan dahil pagiging masiyahin niya. Madalas din siya sumasali sa mga clubs kaya iba't -ibang tao ang nakakasalamuha niya. Sana ay ganoon rin sa Alberta. Alas otso ng umaga ang oras ng pasok nila kaya naman maagang gumising ang magkapatid. Hindi kumikibo si Annika habang kumakain ng cereals habang si Aina ay panay sulyap sakaniyanng ate. "Ate-" "Quit it, Aina. Tapusin mo na lang iyang pagkain mo at baka malate pa tayo." ngumuso lamang si Aina at pinagpatuloy ang pagkain.  Hinatid sila ng kanilang ina sa unang araw ng klase bago dumiretso sa Mayor's office kung nasaan ang asawa. "Good luck girls. Enjoy and study well." nakangiti nitong bilin bago isa-isang hinalikan sa pisngi ang dalawa. Tinignan ni Aina ang Index Card. Grade 9 - Agape ang section niya. Nilibot niya ang mga mata sa paligid ng Alberta University. Malaki at malawak ito. Makikita mo ang mga estudyante na kasama na ang mga kaibigan nila. Ang ate niya naman ay nangunguna sa paglalakad at hindi man lang siya sinabayan. Nakita niyang kumaway si Annika sa harapan. It's Brandon. Hindi niya na lang pinansin kung paanong mabilis dumampi ang labi nito sa pisnge ng kaniyang ate. "Ate, san ba itong building na ito?" nang makalapit siya kina Brandon ay nilahad niya ang index card. "See that bulding over there near the drinking fountain? Yung tapat na iyon." nakangiting turo ni Brandon. Tumango-tango naman si Aina. Mabuti naman at malapit lang pala ito. "Annika! Alaina!" napalingon sila sa boses na nagmumula sa school gate. Andra is running near them while his two brothers and Millicent is behind her. Nakangiti ang mga ito kay Andra na parang bata kung kumilos. Kinawayan naman siya ni Aina. "Hi there classmate!" hagikgik ni Andra sabay sakbit ng braso kay Aina. Bumeso rin ito kay Annika at nakipag apir sa pinsang si Brandon. Nang makalapit si Theo, Thiago at Millicent ay kaniya-kaniyang bati ang mga ito sa isa't isa. Kumapara kay Annika,Millicent at Andra ay mas mahaba ang palda ni Aina. Ang palda nila ay mas mataas pa sa tuhod na halos magmukha na itong mini skirt. "Ang haba naman ng palda mo." puna ni Andra. "Hayaan mo na. Baka conservative si Aina." mahinhin na sambit ni Millicent. Hawak ni Thiago ang kamay nito. "Naku, hindi naman!" natatawang sagot ni Aina. "Well, I like it that way." sambit ni Theo sabay tingin sa malayo na tila nahihiya sakaniyang pagsabat. "Hay naku kuya! Ewan ko sayo!" pang-asar naman ni Andra. Nagkwentuhan muna ang mga ito habang nagpapalipas ng oras. May orientation pa kasing gaganapin since it's their first day. "If you need anything. That's our building. Our section is Grade 10 - Philia. Huwag kang mahihiyang pumunta." bilin ni Theo kay Aina. "Attention students. May we request you to proceed now to the gymnasium area for your orientation. Program will begin at exactly 8:30 am thank you." Theo seems so bothered about Aina. She's cute on her uniform but what disturbs his mind is her black bra underneath. Kitang-kita ito dahil umaga at maliwanag na ang sikat ng araw. Kunot noo niya itong tinitignan hindi para manyakin ito kundi dahil ayaw niyang may ibang makakita nito. "Uy tara na! Bye Annika,Millie and Kuya! Sabay-sabay na lang tayo mamayang break time! Tara na, Aina!"aya ni Andra sa kaibigan. Dahil nga mas nakakabata ang mga ito ay iba ang area nila sa orientation. Hiniwa-hiwalay ang mga ito base sakanilang year level. Tumango naman si Aina at susunod na sana kay Andra ng hawakan siya ni Theo sa balikat dahilan kung bakit siya napaharap muli. Nagtataka niya itong nilingon. Ganoon rin ang grupo.  "Kuya! Mamaya na iyan!" reklamo ni Andra. "Wait." nilingon nito ang kapatid at hinila ang scarf na nakatali sa signature bag nito. "Kuya!" reklamo ni Andra. "Th-theo. Ano ba yun?" takang-taka si Aina ng tingalain niya si Theo na mariin ang tingin sakaniya. He held the pink scarf very tight. Aina reached only her chest just the right spot to where his heart is.  Kaya naman nakadungaw lamang siya rito. Dahan-dahang yumuko si Theo kay Aina hanggang lumebel ito sa mukha ng dalaga. Nagulat naman siya at ramdam ang pag-init ng kaniyang mukha at pamamawis ng katawan. The scent of Theo's manly perfume attacked Aina's nose. His look is so intense. Aina swallowed hard and shut her eyes. Akala niya kung ano ang gagawin nito pero ng maramdaman niya ang malambot na tela ng scarf na dumampi sakaniyang batok ay unti-unti rin niyang idinilat ang mga mata. Marahang inayos ni Theo ang scarf sa balikat ni Aina. Lumadlad ito sa magkabilang dibdib niya kaya natakpan na ang mga ito. Wala na ang bakas ng kulay itim nitong bra na nagpapabagabag kay Theo. He finally smiled out of satisfaction. "Next time if you wear something dark underneath please also wear a sando. Nakikita." mariing bilin nito. Namumula namang tumango si Aina. "That's my girl. Good luck on your first day." marahang sambit ni Theo bago hinaplos ang pisngi nito. "I-ikaw din." nauutal namang sagot ni Aina. "Hay nako! Tama na nga iyan! Corny mo talaga Kuya!" singit ni Andra sabay kaladkad kay Aina patungo sa gym. Umiiling-iling naman ang naiwang sina Thiago,Millicent,Annika at Brandon. "I told you, Theo. Bata pa ang kapatid ko. She's not fully aware about things like that." sambit ni Annika habang ang kamay ni Brandon ay namamahinga sa balikat niya. "Kaya nga nandito ako eh." kibit balikat ni Theo. "Hanep sa banat!" pangutya ni Brandon na ikinatawa ng grupo. Halos mapunit na ang bibig ni Aina kakahikab. Ito ang pangit kapag unang araw sa klase. Hindi mawawala ang nakakabagot na orientation. Si Andra naman ay panay cellphone lang sakaniyang tabi. Nilbot niya ang kaniyang mga mata sa buong gymnasium. Part of her is really excited for the school year. "Andra! Pakilala mo naman kami diyan sa kasama mo!" dinig niyang sigaw ng isang lalake pero nagpanggap siyang walang narinig at kunwari nakatuon ang pansin sa harap. "Kiss my ass, Delgado!" sagot naman ni Andra pabalik. Para talaga itong tomboy eh. Kikay at maganda si Andra pero kapag nagsalita na ay sobrang tikas. Oh well, she's beautiful that way. Nang makarating sa classrooms ay kaniya-kaniyang hanap muna ng temporary seats habang hindi pa sila inaayos in alphabetical order. Perks of being Valderama and Valentino? Magkatabi pa rin si Andra at Aina kahit ayusin sila in alphabetical order. Habang nakaupo ay napatingin si Aina sakaniyang katawan. She gently held the pink scarf that Theo insist her to wear. "Pst." nagulat si Aina ng nilingon ang kaibigang si Andra na namamahinga ang ulo sa arm chair pero nakadilat pala at nakatingin sakaniya. Bahagyang namula si Aina dahil sa pag-aakalang tulog ang katabi pero hindi pala! "Do you have a crush on my brother, Aina? Do you like him too?" makahulugan ang mga ngiti ni Andra. Naiilang naman niyang nilayo ang kaniyang paningin. "I'm just fourteen, Andra." nahihiyang sagot niya. "And so? Love has no age limit nor has age requirement, Aina. Basta kaya mong ihandle. Basta kaya mong sumugal. Basta handa kang maging masaya." "I don't know? A crush on him... maybe?" pinamulahan ng mukha si Aina sa pag-amin. Impit naman ang tili ni Andra sakaniyang tabi at bahagyang hinampas ang braso ni Aina. "Kinikilig ako!" "Sira!" at nagtawanan na sila. Pumasok na ang kanilang homeroom adviser. At dahil unang araw ng pasukan ay wala muna silang ibang gagawin kundi ang mag getting to know each other. Isang activity ang inihanda ng kanilang adviser para mas umusbong pagkakaibigan ng mga ito. Isa-isa silang nagpakilala sa harap. Iilan lang ang mga transferee. Mabuti na lang at kasama niya si Andra kung hindi ay wala siyang kasama sa unang araw ng eskwela. "Hi, My name is Alaina Isabelle Valderama. 14 years old turning 15 next month-" "Wait iha, Are you related to Mayor Virgilio Valderama?" kuryosong tanong ng kanilang guro. "Yes, Miss. He's my father." Napasinghap naman ang mga kaklase ni Aina. Ang iba ay nagtaas ng kilay. Ang iba naman ay kuryosong tumango-tango. Kilala talaga ang kanilang pamilya dahil sa pagiging makatao nila at matulungin sa mga nangangailangan kaya hindi maikakaila na sa pagbanggit pa lamang ng kaniyang apelyido ay naagaw na agad niya ang atensiyon ng mga ito. Si Aina ang huling nagpakilala sa mga magkakaklase. Nang matapos siya ay nagtungo na ang kanilang class adviser sa harapan. "Now that you already know each other. I have an activity for all of you. I have here a bunch of 1/4 index card. Each of one of you will get one and pass this. What you're going to do is to write which among your classmate you wanted to be friends with and what do you expect to that person this school year." kaniya-kaniyang reaksiyon naman ang mga estudyante. "Cliché naman niyan!" "Mam! Expect po natin this year itong si Sarmiento tulog parin ng tulog sa klase!" singit naman ng isa kaya nagtawanan ang lahat. "Quiet!" pinalo ng kanilang guro ang lamesa sa harapan. "I will only give you 30 minutes to finish that before your break time. After you write your expectation to that person, ibibigay niyo iyon sakaniya." Puro reklamo man ay hindi nagpatumpik-tumpik ang mga ito na sundin ang kanilang guro. Wala namang ibang kakilala si Aina kundi si Andra. At dahil bago lang din naman silang magkaibigan ay napagisipan niya na ito na lang ang bibigyan niya ng index card. Todo takip naman ito dahil ang maligalig na si Andra ay panay silip sakaniyang isinusulat. "Aina! Sino ba kasi iyan?" pangungulit nito na tinatawanan lang ni Aina. "Basta!" Name: Alejandra Melina Valentino Expectation: To get to know you more. I expect our friendship to be deeper and memorable. Expect mine in return too. Ayan ang isinulat ni Aina. Sa hudyat ng kanilang guro ay mabilis namang ibinigay ito ni Aina kay Andra. Napasinghap naman si Andra at nakatakip pa ang kamay sa bibig. "A-ako?" gulat niyang tanong. Agad naman niyang binasa. "Awww! Ang sweet mo! Naiiyak ako! Kaso hindi ikaw ang pinili ko eh. Si Kurt!" natawa silang dalawa. Ayos lang naman 'yun sakaniya. She didn't have to expect because she knows Andra will play a big part of her school year. Lalo pa ngayon na alam na nito na may crush si Aina sa kuya nito. Nagulat naman si Aina ng may lumapit sakaniyang kaklaseng lalake na kakamot-kamot pa sa likuran ng ulo at tila nahihiya. Nilahad nito ang index card sakaniya. Nakangiti niya itong tinanggap at binasa. "You expect me to talk to you more often?" tanong ni Aina. Tumango naman ang binata. "Sana. Renzo nga pala." naglahad ito ng kamay sakaniya. She doesn't want to be rude so she accepted the hand shake. "Hoy, Lorenzo! Kami naman! Hindi lang ikaw ang magbibigay kay Alaina!" sigaw ng iba pang lalake sa likuran. Nahihiya naman silang tinignan ni Aina. Sa isip-isip niya ay normal lang siguro ito dahil siya lang naman ang transferee student. Pero lingid sa kaalaman niya ay isang dahilan rito ang taglay niyang ganda. Inosente ang bawat hulma ng kaniyang mukha at nangungusap na mga mata. "Oh! Tama na iyan! Kakain na kami!" sigaw ni Andra sabay hatak sa kamay ng kaibigan at kinaldkad na patayo para makakain na. "Whoo! Grabe! Ang daming may crush sayo sa room!" sambit ni Andra habang hawak parin ang kamay niya at palinga-linga. "Crush agad? Gusto lang nila makipagkilala." "Tss! Malalaman mo rin soon. Kuya! Millie!" nilingon niya ang kinalalagian ng kinakawayan nito at nakitang magkakasama na sila sa iisang table. Nilibot ni Aina ang kaniyang paningin sa paligid ng cafeteria para hanapin ang ate niya pero hindi niya ito makita. "Anong gusto mong kainin?" nagulat na lang siya ng nasa tabi niya na si Theo. Nakangiti ito at nasa isang gilid ang kulot na bangs nito. Nakapamulsa at nakabukas ang unang tatlong butones ng kaniyang polo uniform. "Ah... Nasan si Ate Annika?" tanong nito. "Lumabas sila ni Brad." tumango-tango naman ito. "Order na tayo?" aya ni Theo. "Kuya! Yung order ko hindi mo kukunin?" panuya ni Andra. "Ikaw na!" sabay gulo niya sa buhok ng kapatid. Nauna sa pila si Theo. Nasa likuran si Aina at Andra. Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura kaya parang lahat ng pagkain na nakahain ngayon ay kakainin niya. "May gusto ka ba rito? Gusto mo sa labas na lang rin tayo?" seryosong tanong ni Theo. "Hindi na. Mas mapapamahal pa tayo. Dito na lang. Ayun gusto ko yun!" napangiti naman si Theo sa sinabi ng dalaga. Kahit mayaman sila Aina ay iniisip niya pa rin ang kahalagahan ng pera. Mas lalo siyang napapabilid. Mas lalo siyang nahuhulog. "Manang, Isa nga niyang Menudo saka itong Porkchop. Tag-isang kanin. Samahan mo na rin niyang Buko Pandan." sambit ni Theo sabay lahat ng 500 peso bill. Kinalabit naman siya ni Aina para abutan ng bayad niya pero kinunutan niya lang ito ng noo. "What's that?" seryosong tanong ni Theo habang nilalagay sa leather wallet ang sukli niya. "Bayad...ko." naiilang na sambit ni Aina. "Keep it. Ako na 'to." "P-pero-" inakbayan siya ni Andra mula sa likod. "Hayaan mo na iyan si kuya! Marami kasing pera iyan eh. Libre mo rin 'to ah!" sambit ni Andra sabay dire-diretsong labas sa pila. Napailing na lamang si Theo ay binayaran rin ang pagkain ng kapatid. Siya na rin ang nagdala ng tray na naglalaman ng pagkain nila ni Aina. Nakangisi si Millicent habang papalapit ang dalawang kaibigan. Girls instinct na nila na gusto talaga ni Theo si Aina kaya hindi nila maiwasang pagkatuwaan ang binata. Ngayon lang nila itong nakitang pursigido kumpara sa mga nakaraang babae nito na puro laro lamang. "Buko Pandan? Kelan ka pa nahilig sa matamis ha, Theo?" pang-asar ni Millicent bago sinubo ang sandwich niya. Siniko niya sa tabi si Thiago. Ngumisi lamang ito. "This is for Aina, Millie." nakangiting sambit ni Theo bago ibinaling ang tingin sa namumulang si Aina. Hinila niya ang monoblock chair para bigyang daan ang pag-upo ni Aina. "Thank you. Hay! Gutom na ako!" angil ni Aina sabay himas sa tiyan. Natawa na lang si Theo at isa-isang nilapag sa harap ang mga inorder nilang pagkain. Nag-sign of the cross muna si Aina at nagpasalamat sa mga pagkain sa hapag bago sinimulang lantakan ang mga ito. "Hey, hinay-hinay lang. Mahaba pa oras ng lunch." natatawang saway ni Theo. Nilagay niya ang mga takas sa mahabang buhok ni Aina sa likuran nito para hindi sumagabal sa pagkain ng dalaga. "Shorry.. gutom lang talaga ako.." natawa na lang si Aina kahit puno ang bibig. Nakangisi naman na nagmamasid ang magkakaibigan sa kilos ni Theo. This guy is really serious about Aina huh? Kaseryo-seryoso naman talaga si Aina. Sa isip-isip nila. "Kuya, alam mo ba may activity kami kanina. Ang daming gusting makipagkaibigan kay Aina. Maraming nagkakacrush diyan! Kaya unahan mo na." Andra smirked. Nabilaukan naman at pinamulahan ng mukha si Aina. "Ano? Turo mo sakin mamaya!" iritang sabi ni Theo na ikinatuwa ng grupo. "Hindi naman maiiwasan yun. Look at Aina. Fresh na fresh! Huwag ka ngang feeling. Ni hindi ka naman nga nanliligaw." pangbuska ni Millicent. Parang nag-aapoy na ang mukha ni Aina. Kung makapagusap ang mga ito ay parang wala lang siya sa harapan. Ni hindi niya na malunok ang kanina sakaniyang bibig. Naputol ang asaran nila ng may lumapit na dalawang babae at naglahad ng isang box para kay Theo. Kunot noo niya itong binalingan. Ganun din ang grupo. "What's that?" supladong tanong ni Theo. "Cookies for you, Theo. I personally baked this." nahihiyang sambit ng dalaga. "Sorry I'm not fond of sweets. Ikaw ba?" tanong ni Theo kay Aina. "Ayos lang." kibit balikat ni Aina. "Oh sige. Sayo na lang." kinuha ni Theo ang kahon at nilapag sa tapat ni Aina. "What? Bakit ibibigay mo sakaniya? Sayo dapat yan!" marahas na kinuha ng babae ang kahon kaya natamaan ang kaliwang pisngi ni Aina. Nanlaki ang mata nila Millicent at Andra. Naglikha naman ng ingay ang pagtayo ni Theo kaya halos napalingon na sakanila ang ibang estudyante. "What's happening here?" Napalingon sila sa pagdating ni Annika. Nasa likuran naman nito si Brandon na magkakrus ang mga kamay. Nilapitan ni Annika ang kapatid. Hinawakan niya ang mukha nito ay ibinaling sakaniya para masuri. Kitang-kita niya ang pamumula nito. "Where did you get this?" mariin nitong tanong. Hindi naman sumagot si Aina. "Iyang babaeng yan, Annika. Siya may kagagawan!" tumayo na si Andra at Millicent. Mataray na tinitignan ang babae na kasalukuyang nanginginig na sa takot pero pilit ikinukubli. With arms crossed. Annika walked slowly near the girl student. "Ba-bakit? A-anong ga-gawin mo? Matapang lang naman kayo dahil anak kayo ni Mayor Virgilio!" sigaw nito. Nagtaas lamang ng kilay si Annika at ngumisi. "Alam mo naman pala eh. Too bad, hindi tayo parehas ng kinalakihan. So alam mo na ang pinagkaiba natin?" si Aina at nananatiling nakayuko at nahihiya sa nangyayari. Hindi naman nila kailangang gawin ito. Sambit niya sa isipan. "You. don't. dare. messing. with. a. Valderema. You hear me?" mariing bulong ni Annika sa tenga ng babae. "Especially with a Valentino. I don't hurt girls pero kung uulitin mo pa 'to. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." Theo's voice boomed at the cafeteria. Nananatiling nakatayo sa likuran sina Thiago,Millicent,Brandon at Andra na tila sinasabing walang dapat katakutan si Aina dahil sila ang bahala sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD