C2: Psyche
Isang buwan na ang pananatili ni Rose ngunit ni isang ala-ala ay wala siyang matandaan kahit paulit-ulit na siyang pinapacheck-up ni Gavin ngunit lahat ng doctor na napuntahan o pinuntahan nila ay hindi maipaliwanag ang kalagayan ni Rose.
Unti-unti ng nahuhulog ang binata kay Rose na para bang gano'n din ito sa kanya ngunit hindi niya magawang umamin ngayon sa nararamdaman dahil sa kalagayan ni Rose. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataong ito para magpahayag ng damdamin dahil sa walang maalala si Rose kaya hangga't kaya pa niya ay pinipigilan niya ang sariling sabihin ang tunay niyang nadarama sa babae.
"Gusto mo bang sumama mag-grocery?" Tanong ni Gavin kay Rose.
"Pwede?"
"Oo naman para makalabas ka din." Nakangiting sagot ni Gavin.
"Sige."
"Magbihis ka na. Hihintayin kita sa kotse." Utos ng binata dito.
Nagbihis ito ng komportableng damit saka pinuntahan si Gavin. T-shirt na v-neck lamang na puti at denim shorts na above the knee ang kanyang suot.
Pagdating nila sa grocery, kumuha agad si Gavin ng big cart na hinawakan naman ni Rose. Pareho nilang tulak-tulak ito habang si Gavin ang namimili ng bibilhin.
"Gusto mo?" Tanong ni Gavin dito.
"Pwede?"
"Kunin mo na. Kumuha ka ng kaya mong ubusin."
Kumuha naman kaagad ito na parang batang tuwang-tuwa na makakatikim ng chocolates na nakikita niya sa tv kapag nagko-commercial.
Nakapila na sila sa cashier nang may nakalimutan pa lang kunin si Gavin sa may fruits section kaya bumalik ito at hinayaang si Rose ang maghintay sa pila.
"Psyche?"
Busy ang dalaga sa paglingon-lingon dahil inaabangan niyang bumalik si Gavin.
"Psyche!"
Kunot noong tiningnan ni Rose ang lalaking nakatingin sa kanya na para bang tuwang-tuwa na makita siya pero hindi naman niya ito kilala at makilala kung kilala man niya ito.
"Rose! Sorry, natagalan ako." Biglang sulpot ni Gavin sa tabi niya saka niya hindi pinansin ang lalaki.
Maya-maya lang ay nawala na ang lalaki nang balikan niya ito ng tingin.
"Gavin..."
"Ano?"
"May kilala ka bang Psyche?" Tanong ng dalaga dito.
"Do you mean psychologist?" Kunot noong tanong ng binata.
"Hindi. Psyche ang pangalan." Diretsong sagot ni Rose.
"Wala naman. Tyaka rare ang ganyang pangalan."
"Aah."
"Ba't mo natanong?"
"Narinig ko lang kung saan kanina."
Pagdating nila sa bahay si Rose na ang nag ayos ng pinamili nila. Hinayaan lamang siya ng binata dahil may mga dapat pa itong ayusin.
"Psyche... Psyche.... Psyche?" Paulit-ulit na pagbanggit ni Rose sa pangalang iyon habang patuloy na inaayos ang mga pinamili nila.
Napakapamilyar ng pangalang iyon para sa kanya and it bothers her simula noong marinig niya ang pangalang iyon kanina.
Bigla niyang nabitawan ang isang bote ng ketsup nang makaramdam siya ng pagkahilo at matinding sakit ng ulo habang paulit-ulit na nag re-replay ang pangalang Psyche at mga taong walang mukhang bumabanggit dito.
"Sh*t! Rose! Rose! Wake up!" Tarantang isinugod ni Gavin si Rose sa hospital nang makita niya itong walang malay.
"Please calm down. Mr. Perez, she's fine."
"Thank you."
Agad nilapitan ng binata si Rose saka hinawakan ang kamay nito hanggang sa mamulatan siya nito.
"Bakit nandito ako, Gavin?"
"Anong nangyari kanina? Nakita na lang kitang walang malay. I worried so much." Malungkot na sabi ng binata dito.
"S-sorry. Biglang sumakit ang ulo ko at nahilo ako pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari." Sagot naman ng dalaga na para bang inaalala ang nangyari.
Hinalikan ng binata ang kamay ni Rose saka tinitigan ang mga mata.
"May naaalala ka na ba?"
"H-hindi ko sigurado kung isa bang mga ala-ala o dahil lang ito sa pangalang narinig ko noong nag-grocery tayo."
"Ano ba 'yon?"
"May mga taong bumabanggit ng pangalang Psyche pero hindi malinaw ang mga mukha nila."
"Sige. Ipapahanap ko sa secretary ko ang mga taong may pangalang Psyche baka isa ka sa mga 'yon. Sigurado akong may records ka. Gagawin ko ang lahat para matulungan kita, Rose."
"Salamat, Gavin."
Nakauwi din kagaad si Rose. The doctor advised her not to force her memories to come back kahit hindi naman talaga sigurado ang doctor sa case ni Rose.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Gavin na puno ng pag-aalala.
Ngumiti lamang ito sa kanya saka tumango. Nanatili si Gavin kasama niya ng ilang araw bago ito bumalik sa trabaho.
"Gavin..." Nahihiyang tawag niya dito habang nag-aalmusal sila.
"Hmm?"
"Pwede ba akong maglakad-lakad mamaya sa labas? Hindi ako lalabas ng subdivision. Gusto ko ding puntahan 'yung park."
"Bakit? May naaalala ka ba doon?" Kunot noong tanong ng binata dito.
"Wala naman. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin doon."
"Sige. Sasamahan kita." Nakangiting sabi ng binata.
"Pero may trabaho ka." Dahilan ni Rose.
"Kaya mo bang mag-isa?"
"Kaya ko. Dadalhin ko ang phone na binigay mo para matawagan mo ako."
"Sige. 'Wag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala kahit kilala pa ako ah?" Paalala ng binata dito.
"Tatandaan ko 'yan. Salamat."
"Good."
Sumapit ang hapon at hindi na masyado mainit kaya naisipan na niyang lumabas ng bahay. Binulsa niya ang cellphone saka nakangiting lumabas.
Tumingala muna siya sa kalangitan at pinagmasdan ito bago naglakad-lakad patungo sa park.
Naupo siya sa isang swing saka pumikit at dinama ang simoy ng hangin.
"Hi!"
Napamulat siya ng mga mata nang may magsalita sa tabi niya. Nilingon niya ito at pamilyar ang mukha nito sa kanya.
"Psyche..." Banggit ng lalaki.
" 'Wag mo akong kausapin. Hindi kita kilala." Sabi niya saka umalis sa swing na kinauupuan niya.
"Hindi mo talaga ako nakikilala?" Kunot noong tanong ng lalaki.
"Bakit? Kilala mo ba ako?" Pagtataka ni Rose.
"Oo." Agad na sagot ng lalaki.
Kunot noo niya itong tiningnan saka naalala 'yung lalaki sa grocery.
"Ikaw ang lalaki sa grocery na binabanggit ang pangalang Psyche!" Gulat na sabi ni Rose dito.
"Oo dahil ikaw 'yon!" Diretsong sagot ng lalaki.
"Hindi ako 'yon. Ako si Rose!"
Dali-daling umalis si Rose para makalayo sa lalaking iyon.
Malapit na siya sa bahay ni Gavin nang lingunin niya ang lalaki para siguraduhing hindi siya nito sinusundan.
"Sinusundan mo ba ako?!" Inis na tanong niya dito.
"Hindi."
"Eh bakit nakasunod ka?"
"Diyan ako nakatira." Sagot ng lalaki na itinuro ang katabing bahay ni Gavin.
Inirapan niya ito saka nagmamadaling pumasok sa bahay ni Gavin at ini-lock ito.
Kinawayan pa siya nito na ipinagtataka niya.
Sino ba ang lalaking 'yon? Bakit niya ito tinatawag na Psyche?
Kinagabihan ay sinalubong siya ng tanong ni Gavin.
"Kumusta ang paglalakad-lakad mo?"
"Okay naman." Tipid na sagod nito.
"Wala kang kinausap?"
" 'Yong lalaki sa grocery na bumanggit ng pangalang Psyche. Nakita ko at tinawag nanaman niya ako sa pangalang 'yon. Kapit bahay pa natin." Pagtatakang sagot ni Rose.
"Talaga? Maybe I should talk to him baka makatulong siya para bumalik ang mga ala-ala mo."
"Ibibigay mo ba ako sa kanya kung sakaling makakatulong nga siya sa pagbabalik ng mga ala-ala ko?" Naiiyak na tanong nito.
Nilapitan siya ng binata. He held her face to look at him in the eyes. Huminga ito ng malalim saka siya hinalikan sa noo.
"I will never do that, Rose. Kahit masigurado ko pang parte siya ng mga ala-ala mo..." Bulong nito saka siya yinakap.
Yumakap naman si Rose dito. Samantalang kitang-kita sa labas sa malaking bintana ng bahay ang pagyayakapan nila ng isang lalaking puno ng lungkot ang mga matang nakamasid sa kanila.
-