Nagpalitan ng tingin ang tatlo at tinikom ang bibig. "maari ba akong maupo?"tanong ni Liana. Walang nagawa ang tatlo kung hindi tumango na lamang. Pinagmasdan nilang maupo si Liana sa tabi nila bitbit nito ang pagkain. "pasensya na kung nakisabat ako sa usapan niyo, nais ko lang sana na may makausap lalo na at naiilang ako sa tingin ng ibang estudyante."ani ni Liana na naintidihan naman ng tatlo. "ayos lang Lia--I mean Tin, wala namang issue sa amin and besides mas gusto namin na kasama ka, by the way si Aradia nga pala ito but you can call her Ara and this is Aoife."pagpapakilala ni Accalia sa dalawang kasama kay Liana. Inilahad ni Aoife ang kanyang kamay sa nakatingin at tila nangingiming si Liana. "you can call me Fe kung masyado kang nahahabaan sa name ko, don't worry Tin we won'

