"anong ginagawa mo Liana?!"nasa boses ni Hanish ang pag aalala nang makitang magkasabay na umilaw ang mata ng kaibigan at ng diyosa ng apoy. "nais kong makita ang mga nakita ng mga matang ibinigay sa diyosa ng apoy.."bulong ni Liana bago tuluyang kumalat ang liwanag sa paligid. Dahil sa takot ay kaagad na nagtago sa liwanag ang mga prinsipe maging ang mga nandoong dalaga. Napapikit ng mariin si Liana ng magsimulang sumakit ang kanyang ulo kaakibat noon ay ang isang tanawing malabo na unti unting nagiging malinaw. "hindi ka ba nababahala mahal na prinsesa? Ang sabi ng babaylan sa kaharian niyo ay iibig ka sa pinakamababang uri.."isang paru-paro ang nagsasalita at tila kinakausap ang ina ni Liana na sa panahong iyon ay prinsesa pa lamang. Ngumiti ang prinsesa habang nakatanaw sa kumiki
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


