Ang tunog ng mga kulilig ang siyang tanging nagliligtas kay Rhys upang hindi mawala sa kanyang isipan na kailangang unahin ang kapakanan ng babaeng iniibig. "hindi ko alam kung ano ang mas masakit Irving.."hinagpis nito sa binata. Maging si Irving ay walang masabi na makakapagpalubag sa loob ng kaibigan. "hindi ko nagugustuhan ang mga ito Rhys."seryoso ang tinig na ginamit ni Irving habang nakatutok ang mga mata sa apoy na nagbibigay init sa kanila laban sa malamig at mahamog na gabi. "mas malamig pa sa nyebe ang aking puso, mas nilalamig, mas namamanhid at mas nangungulila."malungkot na anas ng prinsipe ng Zacarias. Kinabukasan ay malakas na sigaw ang gumising sa kanila. Napabalikwas ng bangon si Rhys at kaagad nilingon ang kinaroronan ni Liana upang tignan kung ayos ba ito pero nagu

