"ano na ang balak mo sa kanya?"tanong ng anino sa hangin habang ngayon ay magkatabi na si Liana at Hanish at mga walang buhay.
"kung bubuhayin mo siya ay batid mong kalahati nang iyong buhay ang mawawala Avani."saad nito.
"batid ko ang bagay na iyan, ngunit hindi iyon ang aking iniisip."
"alin kung gayon?"tanong nito kay Ava.
"sa muling pagmulat nilang dalawa ay magbabago ang kapalaran nila at batid kong alam mo ang ibig kong sabihin."natahimik ang aninong hangin sa mga sinambit ni Ava.
"ang nakatakda sa prinsipe na ito ay kailangang mamatay."wika ni Avani.
"hindi maaari Avani, hindi na isang birhen si Liana 'pagkat ito ay nakuha na ng prinsipe ng Zacarias."naging seryoso ang mukha ni Avani sa sinabi ng anino.
"nakuha niya ang katawang lupa ni Liana ngunit hindi ang kaluluwa sapagkat ito ay hawak ng prinsipeng ito."madiing wika ni Avani.
"kung bubuhayin ko ang prinsipe ng Imana ay makasisiguro akong proprotektahan nito si Liana hindi bilang kaibigan kung hindi bilang bagong itinakda sa kanya."hindi na nakaimik pa ang anino lalo na at nakikita nito ang determinasyon sa mukha Ava.
"ipinagbabawal ang gagawin mo Avani pag isipan mong mabuti, maging ang diyosa ng apoy ay makakalaban mo sa iyong gagawin."pagpigil nito.
"kung nakikita at nakikinig tayo ng diyosa ng apoy at kung tunay na ang aalala siya kay Liana ay hahayaan niya ako--"
"itigil mo ang kalokohan na iyan Avani."napalingon ang dalawa nang mula sa kung saan ay lumabas ang isang napakagandang diyosa.
"Tala? ano ang pakay ng diyosa ng mga bituin?"tanong ni Ava dito.
"batid mo na lahat ng nasasawing nilalang ay nagiging bituin at nasa pangangalaga ko, ginulo mo ang aking tungkulin at pinanghimasukan."naroon ang galit sa tinig nito.
"ano ang nais mo? Hayaan na tuluyang mawala si Liana?"ang kapaitan ay nasa boses ni Ava.
Umiling ang kadarating lang na diyosa at naglakad palapit sa katawan ni Liana.
"Ibalik mo ang hininga sa prinsipe, hindi pa oras upang kuhain ko siya, si Liana ang dahilan ng pagparito ko."sa sinabing iyon ng diyosa ng bituin ay agad iniharang ni Avani ang katawan kay Liana.
"hindi mo makukuha ang katawan niya!"asik nito.
"ito ay kautusan mula sa itaas, hayaan mong ako ang gumabay sa kanya--"
"hindi!"umiiling na hikbi ni Ava.
"Avani, kautusan ito hindi mula diyosa kung hindi mula mismo sa kanyang mga magulang."natigilan si Ava sa narinig.
"alam na ba ito ng diyosa ng apoy?"tanong ng aninong hangin sa diyosa ng bituin.
"oo, alam niya."
"bakit hinayaan niya itong mangyari?"nanghihinang tinignan ni Ava ang diyosa ng bituin.
"sapagkat ito ang makakatulong sa lahat, may pinaghahandaan ako Avani at wala nang lugar pa si Liana kung huli ko itong kukunin."nanlaki ang mga mata ni Ava sa sinabi ng huli.
"anong ibig mong sabihin Tala?"malungkot na sinulyapan siya nito.
"isang digmaan ang mangyayari isang taon mula ngayon, at marami ang masasawi."napasinghap si Ava sa narinig.
"hayaan mong gabayan ko si Liana sa langit at pangako na hindi ko siya pababayaan."wala nang nagawa si Ava kung hindi ang hayaan itong kunin si Ava.
Paalis na ang diyosa ng bituin kasama ang katawan ni Liana na nakalutang nang huminto ito at muling nilingon si Ava.
"ang prinsipe ay kailangan ng dugo ng lobo Ava, at batid kong alam mo ang tinutukoy ko."marahang tango ang ibinigay ni Ava dito bago ito mawala.
"kailangan ko na ring umalis."pagpapaalam ng anino kay Ava.
Nang makaalis na ang anino at siya na lamang mag isa ay kumuha ng lupa si Ava at hinipan iyon.
"dalhin niyo sa akin ang lobo na si Accalia."
Habang naglalakad mula sa tulay kung saan nakilala ni Accalia ang estranghera na nagligtas sa kanya ay nakatanaw siya sa ilog.
Baka kasi muling lumitaw ang babae doon. Marami siyang katanungan na hindi nito sinagot kaya inaabangan niya ito roon.
Napatili si Accalia nang lumubog ang paa niya sa lupa.
"a-anong nangyaya--hhhmp!"dumilim ang paligid nang tuluyan na siyang lamunin nang lupa napadaing siya nang bumagsak siya mula sa itaas.
Tignan niya ang lupa sa itaas niya at ang sa paanan niya.
"bulaklak?"puro bulaklak ang nasa paanan niya sa pagtataka niya.
"Accalia."nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya at natagpuan niya si Ava ang dwendeng kaibigan ni Aradia.
"ikaw ang nagdala sa akin dito?"nagtatakang tanong ni Accalia.
"oo."
"bakit?"tanong nitong muli.
"kailangan ka ng prinsipe ng Imana."napuno nang pag aalala ang mukha ni Accalia sa narinig.
"anong nangyari sa kanya?"
"sumunod ka sa akin."sumunod si Accalia kay Ava ng may pag aalala para kay Hanish.
Nang makita ni Accalia ang itinakdang prinsipe sa kanya na pikit ang mga mata at hindi humihinga ay nangilid ang luha sa mga mata nito.
"anong--"
"huwag ka munang umiyak lobo, painumin mo ng dugo ang prinsipe upang makabalik pa siya sa mundong ito."tumango si Accalia dito at agad na sinugatan ang kanyang sarili.
Ang tumulong dugo mula kanyang pulso ay itinapat ni Accalia sa labi ni Hanish.
Tatlong oras niya itong ginagawa at nanghihina na rin siya nang gumalaw ang kamay ng prinsipe.
"Prinsipe Hanish.."umiiyak na sambit nito nang dahan dahang nagmulat ito ng mata.
"Accalia?"kunot ang noong wika nito bago bumaling kay Ava.
"nilinlang mo ako dwe--"
"buhay ka prinsipe ng Imana, patunay na hindi totoo ang paratang mo."bagamat sinabi nito iyon ay masama parin ang tingin ni Hanish dito.
"nasaan si Liana?"umiigting ang pangang tanong nito.
"kinuha na siya sa atin."sa sinabi nito ay parehong nanlaki ang mata ni Accalia at Hanish.
"wala akong ibang masasabi pa kung hindi iyon, dumating ang diyosa ng bituin at kinuha ang katawan ni Liana upang maging bituin sa langit tulad ng ibang nilalang na wala na."hindi nakakibo ang dalawa sa narinig mula kay Ava.
"kung ikaw ay malakas na maari na kayong umalis, ito."inabot nito ang isang bulaklak.
"hipan niyo ang bulaklak at babalik kayo sa lugar kung nasaan ka kanina Accalia."iyon lang ang sinabi nito bago umalis.
Nagkatinginan ang dalawa.
"patawarin mo sana ako 'pagkat naging instrumento ako sa pagkawala ni Liana."humihikbing sambit ni Accalia sa naghihinagpis na prinsipe.
"bumalik ka sa Zacarias Accalia, at iparating mo ang balita na wala na si Liana upang hindi lamang ako ang nagluluksa, nais kong magluksa si Rhys at magsisi, sisiguraduhin ko na habang buhay niyang pagsisisihan ang nangyari kay Liana."iyon lang ang sinabi nito bago hinipan ang bulaklak.
Nang nasa tulay na sila ay lumipad na si Hanish palayo kay Accalia, sa babaeng itinakda dito.
Malayo na ang nilipad ni Hanish nang kumunot ang noo nito. Nakaramdam ito ng pagkirot sa dibdib at hindi nakontrol ang paglipad kaya bumagsak ito sa isang puno.
"ang sakit.."daing nito habang dahan dahang umalis sa puno at bumagsak sa lupa.
Pumikit si Hanish dahil sa malakas na hangin, napakasarap sa pakiramdam ng hangin at tila tinutulungan siya nito na mapawi ang sakit sa katawan na natamo sa pagbagsak.
Ngunit nang may pamilyar na amoy ang dumapo sa ilong niya ay agad na nagningas ang kanyang mga mata.
Napaungol si Hanish sa pananakit ng kanyang dibdib habang naaamoy ang dugo. Sa hindi maintindihang dahilan ay sinundan ni Hanish ang amoy nito, puno ng pananabik at pagkagutom dulot ng humahalimuyak na dugo.
Sinunod ni Accalia ang nais ni Hanish at bumalik nga ito ng Zacarias. Hindi nito alam na sa pagbabalik niya ay kapahamakan ang sasalubong sa kanya.
Sa tulay ng Zacarias papasok sa palasyo ay may mga patalim na lumipad patungo sa kanya sa gulat niya.
Napaluhod si Accalia nang maramdamang may patalim na tumusok sa kanyang sikmura at binti.
Nang makita ni Accalia na hindi patalim ang nakatusok sa kanyang katawan kung hindi mga patusok na yelo ay tumiim ang bagang niya.
"hindi ka na sana nagbalik."ang nanunuyang boses ni Aurora ang lalong nagpakuyom sa kanyang palad.
Muling nagpalipad si Aurora nang apat na patalim na tumusok sa magkabilang balikat ni Accalia kaya napadaing na ito sa sakit isama pa ang pagtulo ng dugo nito.
"ang lobo na nakatakdang umalalay sa diyosang namatay ay kailangan na ring mamatay dahil wala ka nang silbi pa."natatawang wika nito.
Pinagyelo nito ang magkabilang paa ni Accalia upang hindi ito makagalaw.
"paalam babaeng lobo."