Chapter 30

2534 Words

"SAM, baon mo," salubong ni Polla kay Sam nang makalabas siya sa kwarto at makarating ng sala. Inabot sa kaniya ni Polla ang paper bag na may lamang baunan ng pagkain at mineral water. Nagulat si Sam pero sumaya hindi naglaon at napangiti dahil pinabaunan pa siya ng asawa. "Wow! May pabaon si misis," nakangiting tugon niya kay Polla. Ngumiti si Polla sa kaniya. "Mamaya nga pala ay may lakad ako. Pero uuwi rin ako bago maggabi," paalam ni Polla sa kaniya. Nawala ang ngiti niya at nakataas ang kilay na napatitig kay Polla. "So, kaya may pabaon ka ngayon dahil may lakad ka?" tanong niya at nawala ang ngiti niya sa mukha. "Hindi, ah, simula ngayon mag-e-effort na ako para lutuan ka ng baon bilang isang mabuting asawa mo." Niyakap siya ni Polla. "May book signing lang kami ngayon kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD