NIYAKAP ni Sam ang asawa at hinalikan niya rin sa buhok si Polla. Masaya siyang malamang nagtitiwala sa kaniya si Polla at mahal na mahal siya nito kaya hindi ito sumama sa kapatid niya. Natakot din talaga siya kanina nang niyaya na si Polla ng Kuya niya na umalis at iwanan siya at humiling ang asawa na iwanan na muna niya ang dalawa na mag-usap na sila lang. Hindi natiis ni Sam na nag-uusap ng sarilinan ang Kuya at asawa niya kaya sumilip siya at nagkataong nahuli niyang magkayakap ang dalawa at handa na sana talaga niyang bugbugin ang kapatid kaya lang nahila naman siya ng asawa sa braso. "B-Bakit nandito ka? Hindi ba may trabaho ka?" tanong sa kaniya ni Polla. "Napasugod ako rito nang sabihin sa akin ni Janella na itatanan ka na raw ni Kuya Migo. Mabuti nga naabutan ko kayo kasi kung

