WALANG pasok si Sam ngayong araw dahil weekends habang si Polla naman ay hindi na muna nagtrabaho dahil iyon ang kagustuhan ng asawa. Nag-aayos na rin siya ng mga gamit na dadalhin sa pinaplano nilang bakasyon dahil sa oras na matapos ang pakikipag-usap ni Sam kay Mr. Agaton at maging tagumpay naman ang proposal nito ay hihingi na ng vacation leave si Sam sa Papa niya at tuloy ang bakasyon. Habang inaayos ni Polla ang mga dadalhin ay inutusan naman niya si Sam na bumili ng lulutuin niya sa mall. Hindi na sila nag-grocery ng marami dahil aalis din naman sila kaya si Sam na ang pinag-grocery niya at bumili ng uulamin sa ilang-araw na nasa bahay sila. Natigil sa ginagawa si Polla nang makarinig ng door bell na ipinagtaka naman niya. Malabong si Sam ang dumating dahil may dalang susi iyon n

