NAALALA tuloy ni Polla kung gaano niya noon kamahal si Sam at kung siguro nagpaliwanag si Sam noon sa kaniya at ipinaglaban noon na mahal siya nito saka hindi inalok ng kasunduan ay baka hindi sila ganito ni Sam ngayon kaya lang masasakit din kasi ang sinabi nito sa kaniya na dumagdag sa dahilan kung bakit tuluyan niyang pinaniwalaan noon si Migo, na ginamit lang siya ni Sam para sa kayamanan nito.
Napapikit siya at hindi napigilan ang isang bahagi ng nakaraan na bumalik sa kaniya.
Flashback
“SA inyong dalawa ay hindi hamak na mas mabuting tao sa’yo si Migo. Hindi ko lang naisip na mas masama pala ang ugali mo kaysa sa inaasahan ko. Inakala kong totoong minahal mo talaga ako at nagbago ka na pero hindi pala. Ikaw pa rin ang bunsong kapatid ni Migo na puro kalokohan lang ang tanging kayang gawin at lahat ginagawa para makuha ang gusto kahit makasakit pa nang damdamin ng iba.” Pinahid niya ang mga luha sa mga mata.
Nakita niya ang pagbahid ng sakit mula sa mukha ni Sam subalit naglaho rin iyon at naging blangko ang emosyon niyon.
"Hindi ko naman na pala kailangan magpaliwanag pa sa’yo dahil mukha namang mayroon ka nang pinaniniwalaan!" walang emosyon na sabi sa kaniya ni Sam
"Pero bakit ako, Sam? Bakit ginawa mo sa akin 'to? Bakit mo ako niloko?" tanong at sumbat niya sa asawa at hindi napigilan ang mga luha niya sa mga mata.
Ngumisi lang si Sam na parang masaya pa ito sa mga pagtangis niya sa ginawa nito sa kaniya.
"Bakit? Natupad mo naman ang lahat ng pangarap mo dahil sa akin, hindi ba? Hindi ka makakapasok sa isang entertainment company kung hindi dahil sa akin. At makikinabang ka rin naman sa yaman na makukuha ko. Kaya, imbes na umiyak ka riyan at mag-drama ay matuwa ka na lang dahil ikaw ang pinili ko,” walang emosyon sabi ni Sam sa kaniya.
Parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa sinabi ni Sam at walang kasingsakit ang dinanas niya ngayon dahil sa mga nalamang katotohanan at imbes na ipaglaban ni Sam ang nararamdaman nito sa kaniya at patunayan na mahal na mahal siya nito ay masasakit na salita mula sa bibig nito ang narinig niya.
Galit siya dahil sa nalaman kay Migo kasi wala namang pagpapanggap ang pagmamahal niya kay Sam at may ebedensiya pa si Migo ng agreement paper kaya natural lang na magalit at makapagsalita siya ng hindi maganda kay Sam. Pero kung siguro kahit hindi siya naniniwala sa lahat ng mga sinabi ni Sam ngayon dala ng galit niya ay pinaglaban pa rin ni Sam ngayon na mahal talaga siya nito at magpatunay ay maniniwala rin naman siya at babalik ang tiwala niya sa asawa kaya lang hindi ganoon ang ginawa nito.
Dinagdagan lang ni Sam ang sakit na nadarama niya sa lahat ng sinabi ngayon nito sa kaniya at pinatunayan lang nito na totoo ang lahat ng sinabi ni Migo na niloko at ginamit lang siya nito para makuha ang kayamanan sa ama.
Hindi niya inaakala na ganito kasama ang asawa, ang taong minahal at pinakasalan niya.
Napahikbi siya at hindi na niya magawang magsalita.
"Stop crying, lady. Ipapa-manage na sa akin ang isa sa malaking company ni Papa kaya mas lalo akong yayaman at dahil asawa kita kahit ikaw—“
"Mamatay ka na! Mamatay ka na sana!" sigaw niya.
Nakita niyang tumigas ang mukha ni Sam.
"Wala kang kasing sama! Dapat sa tulad mo hindi nabubuhay!" galit na galit na sigaw niya kay Sam at nanginginig na ang kamay niya sa sobrang galit.
"Shut-up!" sigaw na rin ni Sam sa kaniya.
"Ikaw ang manahimik! Wala kang k’wentang tao! Tama lang din ang desisyon ng Papa mo na 'wag kang pagtiwalaang bigyan ng mana dahil wala ka talagang silbi!" sigaw pa na ganti niya kay Sam.
Lahat sasabihin niya at wala na siyang pakealam pa kung magalit nang matindi sa kaniya si Sam dahil galit siya. Galit na galit sa asawa.
Hinablot ni Sam ang braso niya at marahas siyang hinila. "Wala kang alam kaya ‘wag mo akong pagsalitaan ng ganyan!" galit ng sabi nito sa kaniya.
"Alam ko na ang lahat! At nagsisisi akong nabulag ako sa’yo, naniwala pa ako sa pagpapanggap mo. Dapat pinaniwalaan ko na lang si Migo pati na rin ang iba sa mga sinasabi sa’yo pero bakit pinagkatiwalaan pa kita. Bakit minahal pa kita?" puno ng sama ng loob na sabi niya.
Napahikbi na naman siya.
Hinila na niya nang malakas ang braso niya mula sa pagkakahawak kay Sam.
"Maging masaya ka sana sa kayamanan mo! Iyong-iyo na 'yon dahil hindi ako makikihati diyan sa yaman mo! Makikipaghiwalay na ako sa’yo dahil hindi ko kakayanin makisama sa walang k’wentang tulad mo!” galit na sabi niya sa asawa.
Tinalikuran na niya si Sam at iniwan.
Desidido na si Polla na makipaghiwalay noon sa asawa dahil hindi niya kakayanin makisama rito lalo pa at alam niya ang buong katotohanan subalit hindi naman niya nagawa dahil na rin sa kasunduang inalok nito na hindi naman din niya matanggihan.
Nakatulog na sa ganong pag-iisip si Polla na nakayakap pa rin sa katawan niya ang asawa.
Nagising si Polla sa umagang iyon dahil sa malakas na ringtone ng cell phone at nang makilala na sa kaniya ang ringtone na iyon ay kaagad niyang kinuha sa lamesa ang bag niya at kinuha ang cellphone.
"Leo's calling...
Dahil ang kaibigan at kaklase dati ang tumawag ay kaagad niya iyong sinagot.
"Hello Leo?"
"Hey! Where are you? Ten o'clock in the morning ang usapan natin at nine-thirty na!" kaagad na tugon at reklamo ni Leo sa kaniya.
"Oh my God! I'm sorry, tinanghali ako ng gising!" paliwanag niya kaagad sa kaibigan. "Saan ka ba? Pupuntahan na kita,” tanong niya rito.
"Nasa Filipiñana restaurant ako. Nag-aalmusal," kalmadong tugon na ni Leo sa kaniya.
"Okay. Pupuntahan na lang kita. Ten minutes lang kaya antayin mo ako diyan," tugon niya.
"Okay lang. Kahit one hour ka pang dumating kasi nakausap ko naman na ang may-ari ng beach resort at willing siyang makipag-deal sa atin, na uupahana natin ang hotel hallway nila para sa reunion party," tugon ni Leo na ikinalaki ng mga mata niya. "Nang hindi ka pa nagpaparamdam mula kanina at hindi mo sinasagot ang tawag ko ay nauna na akong makipag-kita sa may-ari ng beach resort at nakausap ko siya," dagdag ni Leo.
"Really? How much?" tanong niya.
"I don't know. Hindi kasi natuloy pag-uusap namin kanina dahil may meeting siya sandali lang kami nag-usap pero pumayag naman na siya saka gusto niyang pag-usapan ito sa opisina niya na kompleto tayo.
“Kaya kakausapin natin siya matapos meeting niya at doon pa natin malalaman kung magkano ang presyo pero sana hindi aabot sa milyon at napakalaking budget niyon sa reunion natin,” mahabang tugon nito sa kaniya.
Napangiti siya sa sinabi ni Leo at wala namang problema sa kaniya kung magkano dahil may pera siya sa bangko na p’wede niyang idagdag sa mga donasyon ng buong klase sa gastusan.
"Galing mo naman!" nakangiti niyang komento kay Leo. “Mabutu at pumayag siyang kausapin mo, hindi ba busy daw lagi iyon?” tanong niya sa kaibigan.
"Oo. Mabait naman si Mr. Valdemondo. Mabuti nga siya ang humarap sa akin at hindi ang Papa niya kaasi malabo na payagan tayo niyon sa gusto natin. Si Mr. Van walang problema at siya nga lang yata ang mabait sa kanilang mga Valdemondo,” anito.
Lalong lumawak ang ngiti niya sa labi. Wala na silang problema sa pagdadausan ng reunion nila.
"Salamat, Leo," masayang niyang sabi sa binata.
"You're welcome."
"Ay wav you!" humahagikgik na sabi pa niya kay Leo na ikinatawa nito.
"Ayabyu too," tugon nito na tumatawa na rin.
"Sige na. Mag-aayos na ako pero antayin mo ako diyan sa restaurant, ha," paalam at bilin niya sa kaibigan.
"Oo,” tugon nito.
Pinutol na ni Polla ang tawag at kukunin na sana niya ang mga damit na nagkalat sa sahig nang mapatili siya sa humablot sa braso niya at hinila siya pahiga sa kama.
"Sam, ano ba?" inis na inis na sigaw niya sa asawa.
Panira talaga ng umaga itong asawa niya. Bigla-bigla na lang manghahablot ng braso na sobrang ikinagulat niya at halos lumabas ang puso niya sa dibdib dahil doon.
"Who's that assh*le you're talking?"
Nagulat siya muli sa galit na nakarehistro sa mukha ni Sam nang magtanong ito sa kaniya. Kahit ang emosyon ng mukha nito ay galit na galit sa kaniya.
--------
NAALIMPUNGATAN si Sam nang umupo ang asawa sa kama nang dumilat ang mga mata ni Sam ay nakita niya ang hubad na likod nito at may kausap sa cell phone.
"Oh my God! I'm sorry, tinanghali ako ng gising! Saan ka ba? Pupuntahan na kita," narinig niyang sabi ni Pola sa kausap na may bahid taranta sa boses.
Saglit na tumahimik si Polla at napansin niyang nakikinig na ito sa katawagan.
"Okay. Pupuntahan na lang kita. Ten minutes lang kaya antayin mo ako diyan," tugon ng asawa niya sa kausap.
Pero hindi pa nakakatayo nakakatayo si Polla nang makita na naman niyang magsalita ulit ito.
"Really? How much?" gulat na tanong ni Polla sa kausap.
Mukhang magandang balita ang sinabi kay Polla ng kausap dahil sa saya ng boses nito. Natahimik muli si Polla at nakinig sa kausap.
"Galing mo naman! “Mabuti at pumayag siyang kausapin mo, hindi ba busy daw lagi iyon?” tugon nito. "Salamat, Leo," masayang ni Polla sa kausap. “"Ay wav you!" humahagikgik na sabi pa nito sa kausap na ikinakunot na ng noo ni Sam at mas lalo siyang nagising dahil sa narinig mula sa asawa.
Ay wav you means I love you at ganoon na ganoon si Polla mag-I love you sa kaniya noong magkasintahan pa sila at kapag naglalambing ito.
Nakadama si Sam ng inis dahil kung sino-sino na namang lalake ang kausap ng asawa at ina- I love you na ng asawa.
“Tama bang makipaglandian siya sa iba, eh, may asawa siya?" galit na sabi niya sa sarili. “f**k!”
"Sige na. Mag-aayos na ako pero antayin mo ako diyan sa restaurant, ha," paalam na ni Polla sa kausap.
Plano na sana ni Polla na kunin ang damit na nagkalat sa sahig nang hilahin niya ito at marahas na hinila pahiga sa tabi niya.
"Sam, ano ba?" inis na inis na sigaw sa kaniya ng asawa.
"Who's that assh*le you're talking?" galit na tanong niya kaagad sa asawa.
Nagulat si Polla marahil dahil sa lakas ng boses niya at sa galit na rin na namumutawi sa mukha at sa tono ng boses niya.
"Si Leo iyon. You know him, 'di ba?" paliwanag ni Polla sa kaniya.
"Who's Leo? I don't know him. Lalake mo ba iyon at nag-a-I love you ka sa kaniya?" galit na tanong pa rin niya kay Polla.
"He's my friend, okay!"
Nainis nang humiwalay sa kaniya si Polla pero hindi niya hinayaang makawala ito at humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ng asawa.
"Ano ba, Sam? May lakad ako at importante 'yon!" malakas na ang boses na sita sa kaniya ni Polla.
"May lakad o makikipaglandian ka lang sa Leo, na 'yon?” galit niyang tugon kay Polla. “Huwag mo akong gagaguhin kung ayaw mong magalit ako! Basag sa akin mukha ng lalake mo!" banta na niya sa asawa.
"Eh, ‘di unahin mo nang basagin ang mukha mo! Dahil ikaw lang naman ang gago rito! Ikaw lang naman ang mahilig mang-gago kaya mag-umpisa ka ng basagin ang mukha mo!" nanggigigil na sigaw ni Polla sa kaniya.
Hinila niya ang braso ni Polla at hinila niya ito paupo sa kama kasabay niya at magkaharap sila ngayong habang masama ang pagkakatitig sa isa’t-isa.
"Bakit sa akin mo pinapasa iyang pang-gagago mo? Rinig na rinig ko kung paano ka makipagtawanan diyan sa kausap mo at sinabihan mo pang-I love you, tapos ngayon sa akin mo ipapasa?" hindi makapaniwalang sumbat niya kay Polla.
"Bakit? Sino bang naunang manggago sa atin dalawa? Kung ginagago kita ay quits na tayo kaya p’wede ba, Sam, tigilan mo ako!" matapang na sumbat din nito sa kaniya.
"Asawa kita! Mag-asawa tayo tandaan mo 'yan!" pagpapaalala niya rito.
"Asawa?” Humalakhak pa si Polla. "Oo nga. Mag-asawa tayo pero kung makapangbabae ka ay harap-harapan at talagang pinapakita mo pa sa akin. Kung kani-kanino ka na nga nakikipagtalik tapos ganiyan ang sasabihin mo sa akin?
“'Wag mong ipamukha sa akin na asawa mo ako, Sam, dahil hindi ako madadala niyan lalo pa sa ating dalawa ikaw ang tunay na gago!" galit na pagpapamukha nito sa kaniya.
Hinablot ni Polla ang kamay nito at sinunod ang kumot saka itinakip sa hubad na katawan at tumayo na para tumungo sa banyo.
"Kasalanan mo naman kung bakit ako nangbababae. Lagi kang umaalis may pangangailangan ako at sa tuwing umaalis ka ay hindi mo napupunan iyon!" ganti niya sa asawa.
"Eh, ‘di magsaya ka. Okay lang naman sa akin na mangbabae ka at makipagtalik kung kani-kanino! Wala akong pakealam sa’yo basta 'wag mo rin akong pakikialaman!” inis na tugon sa kaniya nito.
"Wala naman akong pakialam sa’yo!" galit na pagpapamukha niya sa asawa.
Kapag ganitong nag-aaway sila at nagbabatuhan ng masasakit na salita ay hindi talaga siya nagpapatalo at hindi niya kayang pigilan ang sarili niyang makipagsabayan sa asawa.
Napahinto si Polla sa tangkang paglalakad pero hindi tumingin sa kaniya.
"Sarili ko ang iniisip ko at ang iisipin ng iba kapag nakita ka nilang may lalake na alam nila na asawa mo ako. Ayokong makarating ito kay Papa!” Kinuyom niya ang kamao niya, "sundin mo ako dahil nakikinabang ka naman sa akin. Sa yaman na mayroon ako!" mariin niyang sabi kay Polla.
Hindi na nagsalita pa si Polla at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito saka tuluyang pumasok sa banyo.
Ibinagsak ni Sam ang katawan sa kama at mariing pumikit.
Wala na ring salita-salita nang nakabihis nang lumabas si Polla sa banyo at ni hindi ito tumingin sa kaniya. Kinuha lang ni Polla ang bag at cell phone sa lamesa at walang paalam na umalis.
"f**k!"
-------
"ANO? Kailan natin kakausapin si Mr. Valdemondo?" tanong kaagad ni Polla nang makarating siya sa restaurant na pinagkakainan ni Leo.
"Nagmamadali? May lakad?" nakangiting tugon ni Leo sa kaniya.
"Para makasigurado na tayo. Mahirap na baka maunahan pa tayo.”
"O siya sige. Puntahan na natin siya. Sigurado namang tapos na ang meeting niya ngayon dahil kanina pa iyon at sabi naman bumalik ako after lunch," payag naman ni Leo.
“Tara!” aya niya.
Tumayo na sila pareho ni Leo at sabay na naglakad palabas ng restaurant kung saan sila nagkita magkaibigan.
Nang puntahan nila ang opisina ni Mr. Valdemondo ay nalaman nila sa secretarya na nasa loob na ng opisina ang pakay nila at katatapos lang ng meeting. Hindi naman sila nahirapan dahil hinarap kaagad sila ni Van at tama si Leo dahil mabait nga talaga ang binata at hindi lang mabait dahil may taglay din na gandang lalaki.
Nakasuot si Mr. Valdemondo ng pormal na hindi naman nagpabawas sa kaguwapuhan nito at may magandang pangangatawan na bumagay sa tangkad nito at talagang kahit sinong babae ay hahanga sa kaguwapuhan ng binatang Valdemondo.
"Hoy! Baka tumulo na laway mo diyan?" bulong na sita sa kaniya ni Leo.
Napatingin siya sa kaibigan at inirapan ito na ngisi naman ang ganti nito at halatang tuwang-tuwa sa pang-aasar sa kaniya.
"Good morning, Mr. Valdemondo," bati ni Leo.
"Good morning," ganting bati ni Van sa kanila. "Have a sit," alok pa nito sa kanila.
Naupo naman sila kaagad sa upuan na kaharap ng mesa ni Mr. Valdemondo at umupo na rin ito at waring hari na nakaupo sa trono nito at may ngiti sa labing hinarap sila.
"I heard that you are Mrs. Franco."
Nagulat si Polla sa sinabi ni Mr. Valdemondo at nagtataka kung bakit alam ng binatang kaharap na asawa siya ni Sam.
"You're Mr. Dylan Samuel Franco's, wife right?" naniniguradong tanong ni Mr. Valdemondo ulit sa kaniya.
Napatingin siya kay Leo na nagkibit-balikat sa kaniya.
“Yes,” tipid na tugon niya.
“Okay. You don't need to talk to me about that deal because your husband is one of our shareholders in this hotel. Just speak to your husband about your plan, and the staff here at the resort is ready for what you will ask them to do.
“There is no event today at the hotel that will use the hallway, and if anyone makes a schedule, we will not accept it for your event,” paliwanag sa kaniya ni Mr. Valdemondo
Magandang balita sana ang sinabi ni Mr. Valdemondo at hindi na sila mahihirapan kung ganoon kaya lang ang problema ay ang asawa niya. Kung mapapapayag niya ito na tumulong sa pag-aasikaso ng event nila sa hallway ng hotel.
"Pero hindi ba p’wedeng sa’yo na lang?" kaagad niyang tanong kay Mr. Valdemondo.
"Mahaba pa kasing usapin kapag sa akin. Isa pa, asawa ka ni Mr. Franco at may karapatan kayo sa resort kaya bakit ka pa makikipag-deal sa akin, tugon ni Mr.Valdemondo sa kaniya.
"Polly, tama si Mr. Valdemondo. Kausapin mo na lang ang asawa mo at madali iyon," sabat naman ni Leo.
"Pero nag-away kami kanina."
Gusto niya sanang sabihin iyon kaso nahihiya siyang ipaalam sa mga ito ang sitwasyon nilang mag-asawa.
Bagsak ang balikat ni Polla nang lumabas sa opisina ni Mr. Valdemondo. Hindi na niya napilit ito dahil ayaw rin naman niyang makahalata ito na may problema silang mag-asawa kaya hindi na siya nangulit pa.
"So, wala nang problema at ang maganda pa ay makakalibre ka kasi asawa mo naman iyon," masayang untag ni Leo sa kaniya.
"S-subukan kong kausapin si Sam ‘tungkol diyan. P-pero hindi ko sigurado kasi busy si Sam ngayon ang dami niyang trabaho," tugon niya.
"Ano ka ba? Si Mr. Valdemondo nga ay nagtiyaga ka antayin at kausapin, eh, ang asawa mo pa kaya?” tanong sa kaniya ni Leo at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. “Lambingin mo lang ang asawa mo at papayag na iyan," dagdag pa nito.
Napipilitan tuloy siyang mapangiti kay Leo.
"Hay! Kung alam mo lang, Leo. Mamomroblema pa tuloy ako nito! Kainis!"
“Ngayon ay wala na tayong problema dahil positibo nang ang hallway ng hotel ang magagamit natin kaya dapat ipaalam na natin sa mga Teacher—“
“Huwag na muna, Leo!” kaagad niyang pigil sa kaibigan. “Kakausapin ko na muna si Sam at siguraduhin muna natin na papayag siya bago natin ipaalam sa mga Teacher at Principal kung saan ang event.”
“Sigurado naman na mapapapayag mo ang asawa mo—“
“Mas magandang makasigurado tayo! Kahit positibo dahil asawa ko nga iyon may chances pa rin kasi malay mo may mangyari,” kaagad na katwiran niya.
Napakamot naman sa ulo si Leo. “Bahala ka na nga! Kausapin mo na kaagad ang asawa mo at balitaan mo ako,” anito.
“O-oo, Leo,” tugon niya.
Ngayon ay namomroblema siya kung paano niya kakausapin si Sam at kung paano mapapapayag ito na tuluyan siya sa reunion party nilang magkaklase. Kung hindi lang sila nag-away kanina baka madali-dali pa pero kasi nag-away sila kanina at nagbatuhan pa ng halos hindi makain na masasakit na salita.
Parang may dumagan mabigat na bagay sa puso niya nang maalala ang masasakit na salita na batuhan nila kanina ni Sam. Hanggang ngayon naaapektuhan pa rin siya sa mga ganoong salita ni Sam na dapat nakasanayan at hindi na niya iniintindi pa.