Lauren's POV
"Anong mukha yan kuya?" napatingin ako kay Eyli na nagluluto sa maliit na kusina ng apartment unit ko.
Kuya ang tawag nila sa akin. Pinayagan ko sila pero iyon ay kung nasa bahay lang kami't walang ibang tao bukod sa amin at kay Celes.
"Wala, magluto ka na lang dyan" tugon ko saka pumikit at pumahiga sa sofang kanina ko pa inuupuan.
"May trabaho ka ngayon diba? Di ka pa ba malalate?" tanong pa niya.
"Hindi pa, alas-kwarto pa lang" kinalikot ko ang phone ko't nagscroll ng mga post sa f*******:. Bakit walang mga sense ang post na nakikita ko? Puro about sa lovelife!
"Kuya kung naiinis ka ok lang na magsabi kesa yang ang haba ng nguso mo dyan" kumento pa niya saka ako pumaupo't napabuntong hininga.
"Kasi naman! Tuwing nasa mood ako magpapasin sa crush ko lagi na lang may eepal na mga babae" tila nagsusumbong na kwento ko.
"Edi araw arawin mo na lang ang pagpapapansin mo para mapansin ka niya" suhestyon niya.
"Hindi naman ganun kadali yun no! Saka minsan wala talaga ako sa mood nagpapansin" pagtatama ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Alam mo kuya para kang babae, ganyan kaming mga babae pagnagkakaroon eh, wala sa mood" kwento niya na ikinakunot ng noo ko.
"Babae ako Eyli. Babae" sagot ko. Babae ako! Nagkataon lang naman na nasa katawan ako ng lalaki.
"Fine, kung yun ang gusto mong tawag sayo" kibit balikat niyang pagsang-ayon.
Mabilis lumipas ang oras. Ala-sais na ng gabi at nasa byahe pa rin ako papasok sa trabaho. Kainis! Bakit kasi ngayon pa nagkaroon ng banggaan! Malalate ako!
Mabilis akong tumakbo pagkababa ko sa jeep na sinakyan ko. Di gaanong malayo ang bar na pinagtratrabahuhan ko sa apartment pero di rin naman ganun kalapit kaya nagje-jeep pa ako.
"Oh, bakit ka hinahapo ng hingal dyan?" bungad sa akin ng isang crew ng bar.
"Tumakbo kasi ako, malalate na kasi ako" sagot ko saka mabilis na pumasok sa changing room namin sa bandang likuran ng bar.
"Uren, umupo ka muna, masyado kang nagmamadali, di pa naman marami ang tao" suhestyon ng isa kong kasamahan sa pagwe-waitress
"Nga pala, dumating yung anak ni Boss, hinahanap ka kanina" napatingin ako kay Ericka. Isa sa mga kasamahan ko.
"Bakit daw?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya saka sakin nagpaalam.
Hinahanap ako ni Ron?
Agad kong idinayal ang number ni Ron para tawagan. Tatlong ring ang lumipas bago niya sinagot.
"Hello Ron, bakit mo ko hinahanap?" tanong ko sa anak ng amo namin na isa din sa mga kaibigan ko simula noong elementary.
[Wala naman, kakamustahin lang sana kita dyan. Matagal na rin kasi nung huli tayong nagkita] sagot niya sa kabilang linya.
"Ok naman ako Ron, stay strong sa trabahong binigay mo" may birong sabi ko. "Nga pala kailan ka pa bumalik?" dagdag ko pa. Matagal na kasi siyang umalis ng maynila upang samahan ang lola niya sa probinsya.
[Kahapon lang ako bumalik kasama si lola, dumating kasi iyong tiyo ko galing Iran. Reunion daw] paliwanag niya.
"Naks naman, chocolate Ron ha! Padalhan mo ako" pagbibiro ko.
[Siraulo! May gera nga dun kaya bumalik dito si tiyo tapos manghihingi ka ng chocolate?] tila iritado niyang tugon na ikinatawa ko.
"Joke lang Ron, sige na, ibababa ko na ito't kailangan ko ng magtrabaho" saka kami nagpaalam sa isa't isa. Mabilis akong kumilos at agad na nagtrabaho.
Jade's POV
Step by step lang Jade. Bukas wala na yang lungkot mo.
Bahagya kong iniling ang ulo ko bago tumawag ng waitress.
"Good evening sir, ano pong order nila?" tanong sa akin ng waitress. Marahan muna akong luminga linga pero mukhang hindi mahagip ng paningin ko ang hinahanap ko.
"Ah.. Isang beer at sisig lang" sagot ko na lang sa waitress saka bahagyang bumuntong hininga. Nasaan kaya siya?
"Ericka, sa table 9" agad hinanap ng mata ko ang boses na narinig ko. Kilala ko iyon! Siya yun.
"Wait lang Uren, ipapasa ko lang muna itong order sa loob" tugon ng tinawag niyang waitress.
Uren..
"Excuse me miss, pwede bang si Uren ang sumingil sa akin mamaya?" lakas loob kong sabi sa naglapag ng order ko sa mesa.
"Sure sir" tugon niya bago umalis.
Kakaunti man ang in-order ko, umabot pa rin ako ng isa't kalahating oras bago ako muling nagtaas ng kamay na agad tinugunan ng waitress na gusto ko.
Ang magandang si Uren. Ang anghel ko sa bar na ito.
"Ito na po ang bill nyo sir" abot niya ng resibo sa akin.
"Ok lang bang kunin ko ang number mo?" kumunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Sir, hindi po kami pwedeng magbigay ng number sa customer" paliwanag niya.
"Please, gusto lang kitang makilala" bahagya akong nagpacute dahilan para mapabuntong hininga siya.
"Wag mo na lang po sir ipagsasabi" mabilis akong tumango tango sa sinabi niya habang pinipigilan ko ang aking ngiti. "Globe po yan sir" saka niya ibinigay ang papel na may nakasulat na numero.
Ito na yun Jade. Magsimula ka na muli.
Panibagong buhay pag-ibig na ito Jade.
Celes' POV
"BAKLA ANO BA!" saway ko kay Lauren na kilig na kilig habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Para kang t*nga, kilig na kilig ka"
"Kasi naman baks eh, katext ko si Jade Joshua" halos mabuwal ako sa pagkakaupo ko sa sofa ng apartment unit niya kakauyog niya sa akin.
"Katext mo lang pala, kung makareak ka naman kala mo nilandi ka na" sabi saka ko siya hinampas sa braso.
"Aray naman" reklamo niya.
"Aray ka dyan, gumanti lang ako, kanina mo pa ako niyuyugyog eh. Dapat nga chuchugiin na kita eh" nakataas ang isang kilay na sagot ko.
"Ito naman, kinikilig lang naman ako. Alam mo namang crush na crush ko yun eh" paliwanag niya.
"Alam mo, kung alam ko lang na ganito ang mapapala ko ngayon, hindi na ako pumunta dito sa inyo" bahagya ko siyang tinalikuran. Wala kaming pasok ngayon dahil holiday at dahil dumating ang mga kamag-anak ng may-ari ng bar na pinagtratrabahuhan ni Lauren, pinasara muna ito ngayong araw.
"Celes naman, wag ka namang ganyan, suportahan mo na lang ako" muli niya akong inuyog-uyog na tila nanghihingi ng atensyon.
"Bakla nahihilo ako kakayugyog mo!" saway ko saka ako bahagyang lumayo't pumahrap sa kanya. "Nakasuport ako sayo lagi, as in support to the highest level" sabi ko with matching hand gestures. "Pero yang ganyang arte baks, ibang usapan na yan. Majojombag kita dyan"
"Hehe, sorry. Kinikilig lang" saka siya nagpeace sign.
"Yeah, whatever" saka ako ngumisi. "Basta pagkumota ka na, let me know ha"
"Sana nga makakota sa paglandi" saka siya bumungisngis.
Ang harot ni bakla. Kainis! Feeling pretty.
Landiin ko na rin kaya si Kide Joshua? Tutal, madalas na naman kami nagkakausap sa school eh.