Ilang araw na ang nakakalipas simula nang magkita kami ulit pero hindi pa rin nawawala sa akin ‘yong takot. Dalawang araw na ang nakakalipas. Para rin akong palaging wala sa sarili at wala sa mood dahil iniisip ko pa rin paano kung bumalik siya at sa pagbabalik niya ay kasama niya na sina Mama? Bakit ba ayaw pa rin akong tigilan ng nakaraan ko? “Sandra.” Tumingin ako kay Nanay Elena nang tawagin niya ako. May pag-aalala sa kaniyang mga mata. “Okay ka lang ba, hija?” tanong niya. “Para bang napakatamlay mong bata ka, may masakit ba sa ‘yo? May sakit ka ba?” Inilapat niya pa ang likod ng palad niya sa noo ko upang tingnan ang temperatura ng katawan ko. Napangiti naman ako at umiling. “Wala po, ayos lang po ako Nanay Elena,” sagot ko sa matanda. “Bakit ang tamlay mo? Ilang araw na kitang

