Kinabukasan, para akong wala sa sarili. Nakatitig lang ako sa kisame. Blangko ang aking isipan. Mahapdi ang namamaga kong mga mata dahil sa magdamag kong pag-iyak kagabi. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ko kakaiyak. Ngayon nga, hinihiling ko na lang na sana ay panaginip na lang ang mga ‘yon, lahat ng mga narinig ko. Sana ay hindi totoo ang mga ‘yon. Kahit na ayaw ng katawan ko, pinilit kong bumangon dahil may pasok pa ako ngayon. Kailangan ko rin ipakita sa mga magulang namin na ayos lang ako at walang problema. ‘Hindi mo kailangan magmukmok magdamag sa k’warto, Sandra.’ Napagdesisyunan ko munang kumain bago maligo total ay maaga pa naman, isa pa narinig ko na may pupuntahan sina Mama ngayon kaya maaga silang aalis, kung mamaya pa ako bababa ay hind

