Hindi mapakali si Proserpina dahil pakiramdam niya ay nakasunod sa kanya ang mga mata ng mga taong nakakasalubong niya habang papasok siya sa loob ng Vasileía. Kahapon ay umuwi siya bago ang pinakatakdang oras ng pagtatapos ng trabaho, dahil sinira ni Hades ang butones ng kanyang damit. Pero kalahating araw lang naman siyang hindi nakapasok, bakit pakiwari niya ay may nangyaring kailangan niyang malaman na may kinalaman sa kanya pero hindi niya alam. Sandali siyang natigilan. Napansin ba ng mga Managers kahapon na kakaiba ang mga tingin at pagtrato sa kanya ng CEO? Ipinaalam ba ng mga ito sa kani-kanilang departamento ang nabuo ng mga itong konklusyon? Nakagat niya ang labi tapos ay tumingala siya kay Lukas na kaagapay niya sa paglalakad. “Lukas,” tawag niya rito. “Hmm?” “Ako lang ba o

