“Everyone has cooled down already, and now is the time to put our plans into action. Kung hindi tayo gagalaw ay patuloy na manggugulo ang Slovez. Dahil para silang mga anay na kinakain ang solidong pundasyon ng grupo natin. Paunti-unti, pero hindi tumitigil,” matigas ang boses na sabi ni Hades. Pinatawag niya ang mga taong may mataas na tungkulin at puwesto sa kanilang samahan para sa mahalagang pagpupulong. Kung akala ng Slovez ay nakalimutan na nila ang atraso at pinsalang ginawa ng mga ito sa grupo nila ay nagkakamali ang mga ito. Hanggang ngayon ay nakaratay pa rin sa ospital ang kasamahan nilang si Bregon. At hindi na nila maibabalik pa ang buhay ng mga nasawi sa huling engkuwentro na naging napakarahas at madugo. “Ano po ang gagawin natin, Boss?” tanong ng isang miyembro ng Kratos

