“Mukhang new student ah?” Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang venue kung saan ang laban ni Dale. “Akala mo naman alam mo lahat ng nag-aaral sa MSU, baka galing lang ibang department" Ang ibang mga students na galing different colleges ay naglilibot ngayon sa EB wala naman masyadong nakakaenganyo sa building namin. Anong papasyalan nila doon? Panay classroom lang naman at mga laboratories. Pero madalas namin marinig sa mga students sa ibang colleges na gusto daw nila pumunta ng EB dahil madaming pogi. Natawa na lang ako sa narinig. Si Cathy naman ay parang natutuwa at sumasang-ayon sa narinig ng mga students tungkol sa college namin. Madami ba? Parang hindi naman. I will not be surprised na um-agree itong si Cathy dahil madami siyang crush sa ibang majors. “Iba kasi aura niya Dani

