Lumipas ang maghapon nang hindi ko alam kung ano ba ang pinag-usapan nila. I try to talk to Lukas pero hindi niya ako sinasagot, both of them are ignoring me. Tumagal halos dalawang oras ang pag-uusap nila. Hindi ko rin makita sa ekspresiyon ng dalawa kung ano ang pinag-uusapan nila. Pinagmamasdan ko kasi ang mga ito kanina pero wala talaga akong makuhang sagot. Pagkatapos nang pag-uusap na iyon. Pilit silang pinapatigil ni Mom sa pagtulong sa pag-serve pero makulit ang mga ito, lalo na at naging kasangga pa nila si Dad. Dad want’s them to work, but Mom won’t kaya sa huli wala na rin siya nagawa at pinabayaan na lang ang dalawa na tumulong. I’m wondering kung ano ang sinabi ni Lukas kay Dad, if he told them what really happened to us kung bakit ngayon ay nandito pa rin siya. Pati k

