Namangha siya nang makita ako kung gaano gulat na gulat na nasa harapan niya. “Shocks! Wait yung order mo ayusin ko muna” sabi ko nang hindi alam kung ano ang uunahin, ang gawan siya ng kape or tanungin muna kung ano ang order niya. Pinakalma ang sarili at ginawa na ang dapat gawin sa kapeng inorder niya nang maramdaman ko si Mom na tinapik ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. “Ako na diyan, go to your friend muna” sabi niya at bago pa ako makaapila sa sinabi ay hinablot na ang plastic cup ng kape na ginawa ko. Pumunta ako sa staff room, inayos ang medyo haggard na mukha saka ang dress kong medyo nalukot na, mabuti na lang pala ay medyo nag-ayos ako sa pananamit ngayong araw at tinanggal ko na rin ang apron na suot saka lumabas na at pumuntang counter. Binalingan ako ni Mom

