Kahit ilang beses mong sabihin na ayaw mo na sa huli wala ka pa rin namang ibang choice kung hindi gawin ito. Magreklamo man tayo ng ilang beses pilit man nating sabihin na suko na pero iisipin mo pa lang ang mga bagay na pwedeng mangyari kapag hindi mo ito ginawa, tatayo ka at uumpisahan mo na itong gawin. Ang daming ginagawa sa school, tinambakan kami ng mga quizzes at activities expected naman ito pero hindi ko lang maiwasan na mapagod. Maayos naman ang lahat sa grupo, nagkikita pa rin kami pero hindi na madalas dahil syempre iba-iba kami ng mga major at may mga iniintindi kaming pag-aaral. “Damn it! Kanina alam ko bakit ngayon nakakalimutan ko ang process?” naiiyak na sabi ni Cathy, sinimulan namin ang week na’to na puro quiz at syempre puyat. “Dahan-dahanin mo kasi, take a rest f

