Kinabuksan maaga ako nagising dahil ang aga nagising ni Anda nag-aaya na agad bumaba, kaya wala na akong ibang choice kundi ang samahan siya. Nica is still sleeping hahayaan ko muna siya. I’m still wearing my pajamas nang ihatid ko si Anda sa dining room. Nandoon na sila halos. Gulat din ako na nasa living room pa rin sila Dos at Hans, natulog ba ang dalawang ito? Natulog ako kagabi na nasa sala sila tas gigising ako na ganoon pa rin ang pwesto nila. Hindi na pa sila pinansin at pinapunta ko na si Anda kila Tita. “Good morning Titas, Titos” sabi ko saka ngumiti ng malawak sa kanila. “Good morning din Daniel, Nica’s still sleeping?” “Yes po Tita hindi ko po muna ginising” “Mom! Ate Danie agreed na kapag pupunta siya sa house sa room ko siya matutulog” sabi ni Anda na ngayon ay nakaup

