After the CR excuse namin ni Cathy bumalik na kami kung nasaan sila. Di naman kami natagalan because we didn’t talk that much, and nothing confrontation happened. talagang nag-ayos lang kami at mas matagal pa kami naghanap kung saan ba ang CR.
We stayed there for more half-hour and the atmosphere came back from its happy and jolly mood unlike kanina na umalis kami sobrang awkward. And on that, we decided na maglibot ulit and to buy some souvenirs.
I’m busy taking a looking sa mga rosary, gusto ko bilhan si Mom also Dad.
“Dan look at this” he raises the two bracelets that he is holding.
Pumunta ako sa pwesto niya “Cute” sabi ko nang makita ng malapitan kung ano ang hawak niya, they are actually wooden rosary bracelet.
Kinuha niya ang kamay ko and he put one of the bracelets that he is holding earlier, tapos ang isa naman ay sinuot niya.
“Matchy-matchy” he said in a cute voice while still holding my hand. He’s like a kid.
Viel and the others are busy buying their stuff. Cathy and Dale are in the keychains section.
Matagal kaming nag-stay sa shop, the four dorks don’t know what they are going to buy muntik pa silang magaway-away sa loob, the chaos that they hold.
Mika and I ended up buying the rosary bracelets. Obviously, they tease us. Bibili rin dapat si Viel but he saw us wearing it.
“Required pala dapat may ka-partner kapag bibili ng bracelet” biro niya pang sabi sa amin. It’s only one day when I met them and I’m getting used of how they tease us.
I also bought the rosary na kanina ko pa tinitignan pasalubong I added one for ate mimi, si Dos bahala na siya ‘di rin naman niya magagamit.
It's already 5pm ng hapon kaya napag-pasiyahan na naming umuwi, ayaw naman namin gabihin sa daan. And Mika has something to do pa daw, hindi na namin tinanong ‘yon maybe some personal matter dahil hindi naman niya binanggit.
Cathy is on our car now, si Dale at Viel naman will remain on Dawn’s car. It’s almost sunset and the way is much more beautiful kaysa kaninang umaga. Instant road trip na rin pala itong byahe namin.
I saw Cathy taking a nap on back kaya hinaan ko ang music.
“Napagod ata si Cath.” Mika said, also looking at Cathy in the rearview mirror.
“Ang kulit eh” sagot ko naman, ayaw pa niyan sumama, pero siya ‘tong enjoy na enjoy kanina.
Hinatid nila kami sa Boarding House it’s almost 7 pm na rin noong makauwi kami. Kaninang pauwi kami we bought something to eat for dinner. Ayaw naman nilang kumain sa labas kaya dito na lang daw sa bahay para mas comfortable, kaya ganoon nga ang ginawa namin.
Mika suddenly doesn’t have anything to do. We thought na sila Viel and Dawn ang maiiwan but to surprise us he also stays.
“Pre isa-isa lang” rinig kong pang-aasar nila Viel kay Mika. I don’t know what is the context, but I know that Mika is annoyed by them.
The three of us are here in the kitchen area busy preparing for the food.
“Akala ko mauuna na si Mika?” tanong naman sa akin ni Dale. Me either, don’t know that’s why only shrugged is the only that I answer to him.
“Ang sarap ng sisig” puro fast food na kasi ang kinakain namin magmula kaninang umaga, kaya nang makakita kami ng nagtitinda ng sisig bumili na kami.
“Luto ka next week ng ganito Dale” ani ni Cathy tinikman din ang sisig na aming inihahanda.
“Sure, basta sa inyo pera” sagot naman ni Dale sa amin. i’m not into spicy foods but sa sisig mas masarap talaga kapag maanghang.
We prepare the food on the living room. Manunuod daw kami ng movie, parang walang mga pasok bukas.
“I thought you have something to do” mahina kong tanong kay Mika na siyang nasa left side ko, Cathy is on my right side. We are sitting on floor now. may carpet naman kaya it’s okay.
They are busy picking what movie we should watch.
“They postponed it bukas na lang daw” he answered me, and he continue to eat his dinner naman. Pinagmasdan ko siyang kumain kaya he raises his brow on me.
“You look like a child” natatawang sagot ko saka tumingin na sa tv dahil nag-start na ang movie.
Alam kong nakatitig pa rin siya sa akin because I can feel it.
“Hindi ako ang papanuorin mo Mikaela” I said in a low voice dahil at baka mapansin na naman siya nila Cathy, they will definitely tease us again.
“Nah, I am much more enjoying what I’m watching than the movie” now he is flirting with me. he literally still staring at me. God this man I swear.
Tumayo ako at kinuha na rin ang plates ng iba because they seem finished eating, at para na rin matigil na si Mika from staring. I go to kitchen para ayusin at ilagay sa may lababo ang mga pinggan.
“You should stop teasing me, sasapakin kita tignan mo” sabi ko sa kanya dahil alam kong sumunod siya sa akin dito sa kusina.
Mabuti naman at masyadong focus ang iba sa panunuod at hindi kami napansin na umalis.
“I’m tired” Mika said as he leans his forehead on my shoulder, nasa likuran ko siya ngayon. Muntik ko nang mabitaw ang hawak kong pinggan dahil sa kanya. Nanlalambot ang mga tuhod ko ngayon damn the affect of this man to me.
“Dapat kasi nauna ka na kanina” ang bango niya, feeling ko amoy araw na ako tapos siya eto ang bango bango pa rin. “Dawn and Viel are just too full of energy kaya sumama pa rin” I giggled while I said it.
Kung meron man katapat sila Cathy and Dale that’s them, kahit ako ay pagod na, pero nakaya pa nilang mag-aya kumain dito sa bahay at manuod ng movie.
“Huh?” rinig kong sabi niya and I felt that he is facing me right now he is still leaning on my shoulder.
“Why?” sobrang lapit ng mga mukha namin dahil nakatingin ako sa kanya ngayon. Nahiya naman ang mga pinggan na hinuhugasan ko ngayon hindi na natapos.
He’s brows are furrowed right now, parang may nasabi akong mali, siya ‘tong hindi ba nakakaramdam ang binggat ng ulo niya?
“Wala, you’re so pretty when you smile,” he said and pinch my cheeks, at saka umalis leaving me here alone.
What the hell?
A minute ago, bumalik na ako sa sala para manuod nasa kalahati na ata yung movie, naghilamos na rin pala ako ang I changed into my pajama. I saw Dawn is sleeping on Cathy’s lap, Dale and Viel are so focus, also Cathy they are eating some snacks.
Mika on the corner is also watching, nang makita niya akong padating he gave me a signal to sit beside him kaya ganoon ang ginawa ko.
Hindi pa man ako nakakaupo ng maayos, kumuha na siya ng unan at nilagay sa lap ko at hiniga ang ulo niya. Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong pagod siya.
We’re watching a movie a Korean movie specifically, about Gods wherein they will judge you based on your sins something like that.
I’m playing Mika’s hair with my hair, mas malambot pa ata buhok neto kaysa sa akin, ang sarap paglaruan at hawakan.
“Wake me up when the movie ends” mahinang sabi niya sa akin.
“Hmmm…”
Sumilip ako to see his face and he is really taking a nap. Mag-aya ka pa sa susunod ha? Pang-aasar ko sa kanya sa isip ko.
Ilang oras na ang nakalipas and Mika is still pretty sleeping here in my lap, nangawit na nga ako but I didn’t mind it, mas pagod itong nakahiga sa lap ko.
After more of hour natapos na rin ang movie. Viel and Dale still want to continue watching for the movie, pero dalawa sa kasama namin ay mahimbing na ang tulog at saka may pasok kami ng 7 am bukas.
It’s already past 11 pm mas matagal pa ata silang nagstay dito sa amin kesa sa trip kanina.
Ginising na namin ang dalawa and nagpahinga ng ilang minutes to have their senses back, dahil pareho pa silang magmamaneho. Kaya pala ang lakas ng tatlong ‘to magpakagabi ay dahil sa kanilang boarding house din sila uuwi. Ngayon lang din namin nalaman nila Cathy na magkakasama rin sila.
“Here” about ko sa malamig na tubig kay Mika para magising diwa niya.
“Your lap is okay?”
“Hindi, ang bigat ng ulo mo” biro ‘kong sabi sa kanya, and he pout saka niya hinawakan ang kamay ko.
I know there is something going on between Cathy and Dawn, hindi lang talaga ako mahanap ng tyempo para mang-asar.
“Thank you for today Dan.” Viel said, nasa harapan kami ng bahay ngayon dahil paalis na sila.
Mika is still holding my hands, kanina pa niya pinaglalaruan.
“Thanks din, Ingat sa byahe” I waved my hand at them, Viel and Dawn are already inside their car. But this man beside me parang ayaw na umuwi.
“Chat me kapag nakauwi na kayo” para siyang bata na ayaw mawalay sa magulang.
“Okay, Thank you, Daniel.” At last, binitawan niya rin and walked towards his car.
“Ingat pre! Salamat” Dale said to them. Hinintay namin silang umalis hanggang sa hindi na namin matanaw ang ka nilang sasakyan.
“Kapagod ang araw na’to” Cathy said as she stretches her arms.
“Mapapagod ka talaga lalo na kung si Dawn nakahiga sa lap mo” naunahan ako ni Dale sa pang-aasar kay Cathy, kaya ngumising aso na lang.
“Pagod lang yung tao kaya nakihiga” she defends herself.
“Duda ako” ako naman ang gaganti sa kanya ngayon dahil kanina asadong-asado ako sa pang-aasar sa akin.
“Ikaw din naman kanina Daniel” pag-iiba niya ng usapan
“Fast talk, Jae or Dawn” at tuluyan na kaming nagtawanan habang papasok sa bahay
“Pwede ba both?” pabirong sagot naman niya
“Gaga, isa-isa lang” it’s been a long day for us. In our entire college days ngayon lang ata kami nakagala ng ganito kasama ibang department.
“Kay Dawn ka na wala kang usad kay Jae” ginatungan pa nga ni Dale.
“Ghoster naman mga Civil” banggit ni Cathy sabay tingin sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang papasok ng bahay. Damn 7 am class.
Humilata na ako sa higaan and I check my phone para tignan kung may message na ba si Mika.
Not to be surprised wala siyang chat baka hindi pa nakakauwi or he ended up sleeping dahil sa pagod. Cathy and Dale will still take a bath, kaya mauuna na akong matulog. Hindi ko na kayang hinatayin ang message niya I am too tired to wait at pumipikit na ang mata ko.
Kinaumagahan, ako ang unang nagising because I don’t hear any noise sa labas ng kwarto and I know Cathy is still sleeping dahil nagising ako sa alarm niya actually.
Hinanap ko ang phone ko to check what time it is, at gulat akong makita nang alas singko palang umaga. I also saw na Mika messaged me.
Mika:
‘Just got home’
‘you sleep?’
‘hula ko yes hahaha’ what a dork
‘I’m going to sleep also’
‘good night, thank you for to day :)’
‘dream of me haha’
Yung kaharutan ni Mika palala nang palala every hour.
Nag-reply naman ako to say sorry and greeted him a good morning. To be honest I’m not expecting him to message me at all, parang nasanay na rin ako sa kanya.
Nagligpit ako ng higaan and I do my thing at saka nag-prepare ng makakain para sa dalawa. Masyado silang nagpakapagod kahapon.
I know Dale's class starts at 9 am but knowing him he will wake up early dahil he usually cook for us ni Cathy. I prepare eggs, noodles, and hotdogs at saka ko gagawing fried rice ang kanin na natira kagabi.
Busy ako sa pagluluto when I saw Dale came out from his room at saka dumeretso sa banyo, and when I check my phone 5:30 na nang umaga. Patapos na rin ‘tong niluluto ko but Cathy is still sleeping.
Nang nakahanda na ang lahat I told Dale to wake up Cathy, dahil pareho kaming mabagal kumilos.
“good morning” Cathy on her pajamas may muta pa siya, saka siya dumeretso sa vacant seat na nasa tabi ko.
“7 am class should be illegal” pagrereklamo pa niyang sabi habang kumakain.
“Bilisan mo na lang kumain” sabi ko naman sa kanya dahil tapos na ako and I will take a bath na.