“Ano? Nagkita ba kayo ni Kairus? What happened? Anong sinabi? Nag-usap ba kayo?” Masama ang araw ko pero nang narinig ang sunod-sunod na tanong na iyon ng kaibigan ay hindi ko napigilang mapahalakhak. “Mas nai-stress ka pa sa akin, Sie. Everything’s fine.” Pumasok ako sa malapit na coffee shop sa lugar bago dumeretso pabalik sa opisina. “Saka, as if naman na makikipag-usap pa ako sa lalaking ‘yun, ‘no!” Taliwas ang mga salitang lumalabas sa bibig ko sa kung ano talaga ang nararamdaman. After all these acts, at the end of the day, pilit ko pa ring itinatanong sa sarili kung sino pa nga ba ang niloloko ko. At the end of the day, kailangan ko pa ring tanggapin na maaaring nakukumbinsi ko si Sierra, nakukumbinsi ko mismo ang lalaki pero hinding-hindi ang sarili. At the end of the da

