T h r o w b a c k X I I I “I need to tell you something.” Nagawa nang kainin ang oras ko nang pagpapagulong-gulong sa higaan. Why do I feel this way? Bakit pakiramdam ko ay aamin na ang lalaki? “I need to tell you something.” “What is it?!” singhal ko sa sarili nang harapin ang salamin. Pagtitig lang sa aking cellphone ang nagawa ko, inaantay ang maski text message mula sa lalaki pero hanggang ngayon ay wala akong natatanggap. Simula pa kahapon nang nagmamadali itong umalis ay hindi man lang ito nakaalala. Ganoon ang naging sistema ko buong araw ng linggo. Nag-antay lang ako nang nag-antay sa text message ng lalaking wala man lang paramdam. Kaya naman pagdating ng lunes, daig ko pa ang leong nag-aabang makita ang lalaking iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako naghahanap o umaa

