T h r o w b a c k X I Nahihilo pero walang pagsakit sa ulo akong naramdaman nang magising kinaumagahan. Deretso akong napaupo sa higaan habang pilit na iniisip kung ano marahil ang nangyari kagabi. Usually, sa unang mga oras pagkagising sa umaga ay wala talaga akong maalala pero darating at darating din naman ang mga aalalang iyon within the day. Hindi ko na muna ininda at nagtuloy-tuloy sa pagkilos para sa klase. Saturday class is such a pain in the ass. Bukod kasi sa puro major subjects, masusungit pa ang mgs professor kaya naman first subject pa lang ay masisira na ang araw mo. Simpleng t-shirt at pantalon lang ang pinili kong suotin. Wala namang masyadong ganap tuwing sabado dahil magmimistula lang kaming nakakulong sa classroom habang dumuduog ang ilong sa sobrang hirap ng pina

