Matagal akong nagpakurap-kurap sa harapan ni Sierra nang walang gana nitong iniabot ang sariling cellphone, sinasabing nasa kabilang linya si Kairus. Ilang oras na simula noong umalis ang lalaki para hanapin umano ang cellphone ko kung saan. Hindi ko alam kung paano at saan niya nahagilap ang taxi pero hindi ko na ito nagawang mapigilan. It was my fault afterall. Kung hindi ba naman kasi ako gaga’t ngarag sa kung ano-anong ginagawa edi sana wala ako sa sitwasyon ngayon at hindi ko kailangang pasalamatan ang lalaki. Paulit-ulit ko pa namang pinaaalala sa sarili na gagawin ko ang lahat para makaiwas sa kahit na anong interaksyon kay Kairus pero para bang ako pa mismo ang gumagawa ng paraan. Higit na walang gana kong inabot ang cellphone, inilapit sa tainga at pinagmasdan si Sierra na b

