Eilythia Castor’s point of view
“So, can you explain what happened? Baka kiligin na ako anytime soon,” patawa-tawang gagad ni Tom nang makasakay sa sasakyan. Madrama pa itong bumuntong-hininga at nag-ayos ng buhok.
“Hindi, sira! Just needed to do that. I’m sorry,” maayos kong sambit. Hindi na ginustong makapagtanong pa ang lalaki kaya agad na akong tumingin sa labas ng bintana.
Pinagpasalamat kong hindi na nagtanong ang lalaki, bagkus ay nagsimula nang magmaneho.
Wala na si Kairus pati ang inisip kong mga kaibigan niya nang makalabas kaming muli ni Tom. Kung ano man ang nangyari o kung ano man ang naging rason ng mga ito ay dapat hindi ko na inaalam pero mukhang hindi matitigilan ang isip ko.
What is he doing? Hindi naman sa ginusto kong makipag-usap pa sa lalaki pero hindi ako mapakali.
Hindi ko alam at hindi maintindihan ang halo-halong nararamdaman pero isa lang ang pinakamalinaw—galit.
Nang makarating sa lugar kung saan kikitain si Engineer Dionysus ay kita ko nang agad ang ngisi ni Sierra mula sa malayo.
Ang bruha, si Tom pa talaga ang pinasundo sa akin kung nakauwi naman na pala siya.
Nagkibit-balikat na lang ako nang mamataan pa ang maletang bitbit sa tabi nito, senyales na hindi dito pa nga dumeretso ang babae.
“Hello, sister!” bati agad nito nang makalapit.
Pilit kong pinaikot ang mga mata sa babae pagkatapos ay natawa. Hindi ko na pinag-antay pa ang mga inumin at sumunggab na agad kahit pa walang laman ang tiyan.
Hanggang ngayon, kahit anim na buwan na ako sa trabaho ay hindi pa rin pumapasok sa isipan ang lahat. Sa loob ng limang taon, hindi ko inasahang magagawa kong kumikilos para sa sarili.
Back then, inisip ko na lang na magawa ko lang na malagpasan ang bawat araw ay okay na. But here, I am. I got to do what I want. Naging isa akong engineer at nakatapis ng pag-aaral kahit pa wala ang ina at ama.
Tuwing nare-reminisce talaga ako ng nangyayari ay hindi ko mapigilang mamangha.
I did it. Hindi na lang ako basta si Eilythia ngayon ay isa na akong ganap na enhinyero. I know, my mom in heaven is so proud of me.
And my dad, too. Kahit matagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap.
How did we end up here?, madalas ko talagang maisip ang bagay na iyan.
When I cut ties with Kairus, hindi naging kaaya-aya ang sampal sa akin ng buhay kaya hanggang ngayon ay pilit pa ring sumasagi sa isip ko ang lahat—paano kung iba ang desisyong pinili ko noong araw na iyon?
Paano kung pinili kong dinggin ang paliwanag ng lalaki? Magiging miserable kaya ang buhay ko?
“Hello, Elle–”
“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang manloko ng isang tao,” deretsahan ko nang sambit nang makaupo si Sierra sa aking tabi, pinigil na ang pagsasalita ng babae.
“Bakit ba nila kailangang gawin ‘yun kung pwede naman nilang sabihing hindi na nila mahal ‘yung isang tao?”
Katulad nang paulit-ulit naming sitwasyon tuwing may kaharap na alak, pagkatapos ng iilang minutong deretsong inom ay ibubuhos ko ang mga salitang nananatili lang sa isip. Sa kung bakit, paano nagagawa ng mga tao ang manloko?
“Cheating. . . Cheating is deeper than people realize. It destroys one person, her outlook in life–her life! Why do they have to do that?”
Hindi nagsalita si Sierra, bagkus ay napasimsim na lang din ito sa inumin. Alam ko ang iniisip ng kaibigan. Alam ko ang pakiramdam nito.
“Ilang taon na pero ganito pa rin ako, Sie, walang pagbabago.”
Mula sa kinauupuan ay tanaw namin si Engineer Dionysus kasama si Tom pati na si Lyn. I guess nandito nga talaga kami para magcelebrate dahil sa tuloy-tuloy na success ng kontrata sa H&H. We should be laughing our ass out pero heto kaming dalawa ni Sierra at hindi makaimik-imik.
Nang muli kong balingan ang kaibigan ay tuluyan na itong nakatulog sa upuan. Prenteng nakadiin ang ulo nito sa sandalan ng sofa at mukhang pagod na pagod dahil sa balikang byahe.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Aminin man ng babaeng ito o hindi pero alam kong kaya nito inunang magpunta rito dahil sinigurado niyang magpupunta rin ako.
She wanted to check kung ayos lang ba ako. She was worried about me. Ginawa niya iyon kahit pa hindi niya alam kung makakauwi pa ba siya nang buo sa sobrang antok.
Gamit ang cellphone ng kaibigan ay mabilis kong tinawagan ang driver nito. Hindi na nga namin mavawang makapagpaalam kay Engineer Diony sa sobrang pagmamadali pero nag-iwan ako ng mensahe rito para maiwasan ang pag-aalala.
“Sigurado ka ho ba, Miss Eilythia? Hindi ka na po muna sasabay?”
Malinaw akong umiling-iling sa lalaki. Pagkatapos ay marahan nang isinara ang pintuan nang sasakyan at nagawa pang kumaway-kaway sa tulog naman ng kaibigan.
Ngayong mag-isa, alam kong kailangan ko na namang sanayin ang sarili.
Now that Kairus is back on the field, balik na naman ako sa buhay na walang kasiguraduhan. Gusto ko man siyang iwasan pero hindi ko na alam ngayon kung saan pa magtatago.
Hindi ko na alam kung paano pang muli maglalaho katulad ng ginawa noon.
Sinubok kong maglakad-lakad, walang direksyon. Naglakad ako kung saan man ako marahil dalhin ng mga paa.
Nang matapat sa isang convenience store, hindi ko pa iyon pinalagpas at talagang pumakyaw pa ako ng mga beer in cans. Hindi ko rin halos mabilang.
Bago pa kasi ako lumabas sa bar na pinanggaligan ay maaamin ko nang umiikot-ikot na ang paningin.
But then, this situation really comfort me. Iyong wala akong pake sa nakakasalubong o nadadaanan. Iyong hindi ko sila kilala at ganoon din ako.
It was comfortable. Peaceful.
Iyong hindi ako kakabahan at matataranta dahil pakiramdam ko’y lumulutang ako habang naglalakad.
It’s a hassle but it actually feels different.
“Pero bakit pa ako kailangang lokohin?” pagtatanong ko sa sarili. Tuloy-tuloy pa rin akong naglalakad, hindi humihinto ngunit tuluyan nang tinamaan ng alak.
I am so upset. Sa tuwing umiinom ako ay nagagawa kong alalahanin ang lahat. Kaya naman ang dapat na gawin ay hindi na muling humawak ng kahit na anong alak pero anong ginagawa ko? I always ended drinking.
Why?
Hindi naman para makalimot kundi para tuluyan kong maalala.
Being with Kairus was one the happiest days of my life. Maikli man ang binigay sa aming panahon but I became really, really happy. I became me. I became fearless because he taught me how to dream.
“But why?”
Parang hindi napapagod ang mga paa ko sa paglakad. Wala na sa sarili pero paulit-ulit ko pa ring ipinapanalangin na sana, magkaroon ng sariling utak ang mga paa at dalhin ako mismo sa bahay.
“Ma’am. . . ma’am, anong room number niyo po?” Malabo ang paningin pero nakita ko ang isang unipormadong lalaki. Halos kasing tangkad ko lang ito at patuloy akong inaalalayan.
“Nakainom po kayo, Ma’am, ha. May kasama po ba kayo?”
Trinaydor ako ng mga tuhod ko sa pagkakataong iyon at tuluyan akong bumagsak sa sahig. Hindi tuwid ang pag-iisip pero mukhang wala ako sa kalsada dahil mukhang mamahalin ang tiles na binagsakan ko.
“Bakit masaya sila?” walang paawat ang aking bibig.
Kung ilan man ang nakakakita at tumatawa dahil sa akin ngayon ay wala na akong pakealam. Bukas, makakalimutan din naman ang mga taong ‘yan.
“Sana nga gano’n kadali rin akong makalimot. . .” Tatawa, sisinghot dahil sa nagbabadyang mga luha pagkatapos ay tatawang muli, iyan ang naging sitwasyon ko sa harapan ng lalaking nakikita ko bilang isang pulis.
“Iyan ang pangarap niya, alam mo ba ‘yun?” sambit ko, tuluyan nang binalingan ang lalaking maingat pa rin ang pagkakahawak sa akin at pilit akong hinihila patayo. “How does he end up–”
“Ma’am, tumayo po kayo r’yan. May nga guest po ang hotel–”
“Kuya, ano po ‘yan?”
Ramdam ko na ang paunti-onting pagbagsak ng mga mata. Paulit-ulit ko na lang kinukumbinsi ang sariling magiging maayos ang kalalagyan ngayong gabi kahit pa alam ko kung gaano kalabo iyon.
“Eilythia? Eilythia!”
“Kuya, I can handle her from here. Salamat po.”