Climax 46 Sa pagbukas ng pintuan ni Regine. Natulala siya sa kanyang nakita, ganoon din si Gracia na halos malaglag sa ginawa ni Arthur. Puno ng mga rosas ang paligid, habang ang mga bintana nito ay natatakpan ng itim na kortina, upang dumilim ang paligid. Tanging mga kandila lamang ang nagsisilbing liwanag. Nakaupo si Arthur sa harapan ng isang Portable Piano Keyboards. Hindi siya nakaimik dahil hindi niya inaasahan na may kasama si Regine. "Oh my gosh! Mukhang wrong timing ako dito." Sambit ni Gracia. Napatingin siya sa dalawa na hindi kumikibo. Lumunok si Regine at hindi pa nagsisimula si Arthur ay nagbabadya ng mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakita nilang bumuntong hininga si Arthur at mukhang humugot pa ito ng lakas sa kanyang gagawin. "Regine, you are the one who mak

