Climax 41 Kinagabihan, dumiretso siya sa bahay nila ni Regine sa Tagaytay. Naabutan niya itong nagluluto habang kumakanta. "Good evening my loves," sambit nito at pumalupot ang mga kamay sa kanyang beywang. Hindi mawala sa mukha ni Regine ang pagkakakilig. "Good evening! Kamusta? Gwapong-gwapo ka naman sa busines suit mo," pagtawa ni Regine at hinatak ang korbata ni Arthur. "Naughty pregnant woman," aniya at napangiti si Regine. "Magkuwento ka naman? Kamusta? May balita ba agad sa annulment namin ni Ric?" masayang pagtatanong nito habang siya'y naghahapag. "May Attorney na ang kaso, ikaw ang kailangan," paglalahad ni Arthur at kumain. "Sarap ha?" Biglang sinabi ni Arthur. "Siyempre pati 'yung nagluto," saad ni Regine at kumindat sa kanyang nobyo. "Mamaya patikhim din,"

