CHAPTER 4: BEFORE IT ENDS

3275 Words
Nakahiga lang ako sa aking kama habang nakapikit ang aking mga mata. Gusto kong matulog pero gising na gising ang aking diwa sa hindi malamang dahilan. Mukhang may gustong gawin ang katawan ko kaya ayaw munang matulog ngayon. Dinilat ko na lang ang aking mga mata sabay bangon sa aking kinakahigaan. Ang tagal na rin noong huling labas namin ni Persy. It's time siguro na bumalik ngayong gabi. Ito na rin siguro ang huli kasi malapit na rin kaming lumuwas ng Manila. Hindi rin kami sigurado kung kailan ang balik namin dito kaya it is time na siguro.   Mabilis akong nagtungo sa closet ko para magbihis ng fitted white shirt, ripped jeans, pumps pero kunti lang ang taas ng takong dahil matangkad na ako. Mahirap din magsuot ng mataas na takong baka mahirapan ako mamaya sa pupuntahan ko. After checking kung okay na ay agad kong hinablot ang leather jacket ko at lumabas na agad sa aking kwarto.   Pagbaba ko ay nakaupo sa sofa si Persy habang nakabihis na rin at halatang hinihintay ako. Mukhang same kami ng nararamdaman kaya nasa sofa na siya. Kung hindi ay nasa kwarto na siya nito at natutulog na ngayon. Sabagay, kung hindi ako lalabas hindi rin naman siya lalabas eh. Kung saan ako dapat nandoon din siya. Nakasanayan lang namin lalo na pag sa ganitong usapan talaga.   "Sabi ko na nga ba na lalabas ka rin," sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin sabay tayo niya sa kaniyang kinauupuan.   Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. She wears fitted black shirt, denim short at leather jacket din niya na same lang din sa leather jacket na meron ako. Nakasuot lang siya ng flat sandals. Hindi kasi siya mahilig sa heels except na lang pag may occasion. O hindi kaya ay kailangan para sa passion niya tulad ng pagmomodelo niya.   Nang makalapit ako ay mabilis niya akong hinalikan sa noo. Kiniss ko na rin siya sa pisngi niya. Bago kami lumabas ng tuluyan sa bahay at gawin ang nakagawian namin sa gabi ay siya ring labas nina tita at ninang sa kanilang kwarto. Mukhang nakaramdama ang mga ito na aalis kaming dalawa ni Persy. Kaya nagpaalam na rin kami sa kanila. Nakagawian naming dalawa nj Persy. Para 'di sila mag-alala kung bakit wala kami, sa ganitong oras pa. Though, sanay naman sila na lumalabas kami minsan sa gabi pero hindi rason 'yon para hindi magpaalam sa kanila. Nakakaramdam din kasi sila madalas kung balak namin magkapatid na lumabas kaya siguro nga lumabas na rin sila sa kanilang kwarto. Para makita na rin namin sila. Para na rin paalalahanan kami sa kung anong gagawin namin ngayong gabi.   Naalala ko pa nga noong unang nalaman nila na napapadpad kami sa ganoong lugar ay nagalit sila. Papaano, kailan, saan at bakit ang unang naging tanong nila sa amin. Umamin naman din kami sa kanila kasi wala naman ding saysay para ilihim pa. Though, kalaunan ay tinanggap naman nila. Kaysa naman daw na magrebelde kami kalaunan pag hindi. Nagulat lang sila kasi hindi nila aakalain na darating sa punto na magagawi kami sa lugar na ‘yon at magiging part ng mundong ‘yon.   Agad namang pumayag ang dalawa para magkaroon daw ng quality time sila sa isa’t isa kahit naman lagi naman silang may quality time. Natawa na lang kami ni Persy dahil sa kalokohan ni tita kaya agad siyang siniko ni ninang na pulang-pula na ang pisngi dahil sa hiya. Ang harot kasi talaga lagi ni tita kaya minsan parang ayaw na ni ninang katabi siya dahil nahihiya agad. Minsan nga naiisip ko na hindi basihan ang preference mo para maipakita ang nararamdaman mo. Besides, wala silang pakialam dalawa kung sino ang top o bottom.   Aished! Bakit baa ko umabot sa point na iyon?   "Mag-ingat kayo, okay?” Paalala ni ninang sa amin. “Huwag padalos-dalos sa mga gagawin niyo. Enjoy your night.” Sabay ngiti pa niya.   Tumango naman kaming dalawa at nilapitan si ninang para halikan sa pisngi bago binaling ang tingin kay tita na katabi lang si ninang.   "Don't go home with a scratch on your face and body, ladies." Pahabol naman ni tita.   'Yan lang ang parating sinasabi nila pag-umaalis kami ng ganitong oras. At pagramdam nila na we need to do the usual things that we do. Nakasanayan na at 'di na mawala-wala sa systema naming dalawa ni Persy. Kaya ang magagawa na lang nila ay pumayag sa kung anong gusto namin kaysa naman daw sa takasan namin sila. Baka mapano pa raw kami, mas mabuti ‘yong may alam sila para less alala raw. They trust us naman din kaya no worries.   The funny thing is minsan sila pa 'yong nagsasabi sa amin na kailangan naming lumabas para mag-unwind. Lalo na pagramdaman nila na masyado na kaming stress o may bumabagabag sa isip namin. It is better to release it all daw kaysa maipon hanggang sa makagawa ng bagay na pagsisisihan namin in the end. Noong una ayaw pa nila pero kalaunan ay sila pa ang sige nang sige.   "Same place," sabi ko agad kay Persy nang makaupo ako sa passenger seat. Tumango naman siya bago paandarin ang sasakyang gagamitin namin for tonight.   Habang on the way kami sa paruroonan namin ay ti-next ko na rin ang dalawa pang kasama naming dalawa. Para makipagkita at bonding na rin dahil malapit na rin ang graduation day namin. It means malapit na rin kaming lumuwas ng Manila para roon mag-aral. Baka hindi na kami magkitaan pa. Habang may oras at panahon pa kaming natitira rito ay gamitin na lang namin 'yon sa last bonding namin. We never know naman din kasi kung anong mangyayari pagkatapos. Baka magalit din ang dalawa pag ‘di namin ginawa ‘yon eh.   "Ano kaya ang mangyayari ngayon? G na ba tayo sa unexpected things and situations?" Biglang tanong ni Persy nang makarating kami sa destinasyon namin.   "It depends," sagot ko agad kaya tumango na lang.   Depende rin naman kasi sa kung anong madadatnan namin sa loob eh. Though, we are old enough naman to do the things pero we know our limits naman.   "Long time no see sa inyong dalawa,” bati ng dalawang naghihintay sa amin nang makababa kami sa sasakyan.   Sila pa ang nauna sa amin dahil hindi naman masyadong kalayuan sa kanila ang lugar na ito.   "Oo nga.” Sang-ayon naman ni Persy. “Pero teka nga? Gumaganda kayo lalo ah." While she is eyeing the two.   Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng dalawa. Sabay pa talaga. Kaya hindi ko maiwasan na mapangiti. Ang cute kasi nilang tignan. Minsan nga ay nagiging kawawa si Persy sa mga ito. Depende lang pagtinutupak ang mga ito.   "Chill. Ang iinit ng ulo. Kayo na nga sinabihan na gumaganda lalo eh," sabi ko naman at agad naman nila akong bineso bilang pagbati.   "Ang tagal na natin 'di nagkita,” ani nina Zeira and Zaina. “So, dating gawi lang ba? O iba? " Ngiting tanong naman agad nila pagkatapos.   They are twins actually kaya ganiyan sila. Minsan nagsasabay magsalita at 'di nila pin-practice iyon dahil normal naman daw iyon sa kambal. Lalo na't malaki ang connection nila sa isa't isa. Kumbaga, they act as one but not all the time.   Matapos namin magkamustahan ay pumasok na kami sa usual na bar na pinapasukan namin. I am already 22 kaya pwedeng-pwede kami sa lugar na ito lalo na ang kambal dahil ahead lang naman kami ni Persy ng dalawang taon sa kanila. Kaka-22 ko na pero papatapos pa lang kami ng high school. Nag-K1 to K2 pa kasi kami ni Persy. Isama mo pa na may senior high sa high school.   Anyway, ibang-iba ang bar na pinasukan namin ngayon dahil halos lahat ng nandito ay mga elite. Kaya well-mannered naman kahit papaano ang pumupunta rito. Believe me or not we are not ordinary people. Lalo na kami because we are gangster daw pero 'di namin kino-consider ang sarili naming apat na gangsters. It is so ewe to be called that one. Mahilig lang talaga kami makipaglaban lalo na pag-boring na boring ang buhay namin. That's all, pero hindi namin pinangarap na bansagan na gangsters. Nagkataon lang na ganoon ang mga tawag sa mga taong sinasabi ng iba na sanggano. We are not gangsters, kung ano kami, ‘yon kami. We don’t want to put label naman kasi we never intended na mapabilang sa kung ano sila. Ginagawa namin ito because nakikitaan namin ng thrill sa buhay. Experience na rin kumbaga na siyang in-enjoy naming apat.   "May nabalitaan kami ni Zeira. Sa Foyer daw kayo mag-aaral,” sabi na lang bigla ni Zaine. “Totoo ba? Or another bluff galing sa mga bubuyog sa tabi-tabi?" tanong nito.   May nunal siya sa sintedo at iyon ang pagkakakilanlan niya. Kay Zeira naman ay sa may taenga banda. Though, kung hindi mo mapapansin ang nunal nila masasabi mong isa lang talaga sila. Kaya minsan maraming nauuto ng dalawa o naloloko. Identical twin kasi talaga sila, same rin ng height at katawan. Kung hindi ka observant na tao hindi mo mapapansin.   "Yeah." Sabay inom ko sa alak na in-order ko.   Sex on the beach to be exact. Ito kasi ang isa sa paborito kong alak kaya natural sa akin na ito ang unang ino-order ko. Nakasanayan ko na rin. Hinahanap-hanap na rin ng katawan ko ang lasa ng alak na ito. Kampante rin ako na hindi nalalasing kahit marami akong naiinom kasi it is my favorite and also sanay na rin ang katawan ko. Nato-tolerate ko naman kasi. Habang Wild Irish Rose naman sa kambal dahil mahina ng kunti ang tolerance nila. Kay Persy naman ay Abita Amber.   Ang first na inom talaga namin ay noong minors pa kami. Besides, we know our limits naman. Alam din naman ng parents namin anong pinaggagawa namin. Nasa amin na kung anong gagawin namin sa trust and free will na binigay sa amin.   "Wow. Good to know dahil doon din kami mag-aaral ni twinnie. Magsasama rin tayo finally!" sabi naman ni Zeira.   Halatang masayang-masaya siya sa nalaman niya sa amin. Kumikinang kasi ang kaniyang mga mata nang sabihin niya iyon. Nakita ko pa ang pagngiti ni Zaina sa ginawa ng kaniyang kambal.   "Talaga? Cool!” React ko nang malaman ko ang tungkol doon. “Buti na lang magkakasama na tayo sa iisang university. Pero seryoso, doon din talaga kayo?" Excited na tanong ko.   Tumango naman ang dalawa kaya natawa kaming tatlo. Halatang excited kami kasi aside sa iisang university ang papasukan namin ay magkakasama na kami. Matagal na rin kasi namin na magsama sa iisang school kaso hindi pwede na isa sa amin ay lumipat. Ngunit si Persy halos malugi na ang mukha dahil nga ayaw niya roon.   Napilit ko lang talaga siya na pumayag. Kahit masaya naman siya kasi new experience para sa aming dalawa ay nangingibabaw pa rin talaga ang hindi pagkagusto na pumasok doon. Hindi ko alam kung bakit. Pinipilit ko naman siyang paaminin pero laging sagot niya ay hindi niya lang feel.   "Bakit ganiyan itsura mo? Ayaw mo ba sa Foyer University?" tanong ni Zaina nang mapansin ang mukha ni Persy..   Halatang napansin niya rin ang kakaibang mood ni Persy nang mapag-usapan ang Foyer. Hahaha.   "Kasi ayaw ko. Hindi ko lang talaga feel 'yong university na gusto niyong pasukan. Marami akong naririnig na bad records about sa kanila. Pero nangingibabaw naman 'yung positive comments but still, ayaw,” sagot naman niya. “Tara na nga! Lumabas na tayo rito. Marami ng nakatingin sa atin. Nakakaamoy ako ng laban." Sabay tungga ng straight sa alak na nasa baso niya bago siya tuluyang tumayo kaya sumunod na rin kami sa kaniya.   Sa aming apat kung sa senses ang pag-uusapan magaling kami talaga. Kaya 'di namin pinagdududahan ang kutob ng bawat isa. Nakaramdam din kasi ako kanina pagpasok namin pero binaliwala ko lang. Nasa isip ko lang kasi talaga ay uminom ng alak. Tagal na rin kasi noong huli.   Habang naglalakad kami papalabas ay maraming mga pares ng mata ang nakasunod sa amin ng tingin. Karimahan mga lalaki talaga. Lalaking mga hayok sa babae na gustong ikama ngayong gabi. Sanay naman kami na pagbigyan ng ganoong tingin pero hindi namin pinapatulan lahat.   That's why I hate to be called gangster kasi aside sa cheap pakinggan ay mga bastos pa ang iilan. Pili lang talaga 'yong grupo na may manners. Ang iba kasi pagnasabihan na na gangsters ay nagyayabang na, nagiging maangas at mapagmataas. Mambabae na rin kasi feel nila cool at gwapong-gwapo sila.   The heck! Hindi naman 'yon nakakatulong eh. Naghahanap lang kamo sila ng gulo.   Papasok na sana kami sa kotseng dala namin nang may biglang humarang sa amin na apat na kalalakihan. Nagmumukha silang bouncer dahil sa laki ng mga katawan nila. Ang dami pang mga tattoo sa katawan. Mostly may piercing pa. Sila siguro ang tinutukoy ni Persy kanina. Ang lalakas pa ng mga loob nila na kami ay lapitan.   "Hey! Ang bilis niyo namang umalis ah? 1-hour lang kayong magba-bar? Boring,” sabi ng lalaking may kulay blonde ang buhok sabay ngisi pa niya.   Nakita pa namin paano nila basain ang kanilang mga labi. At kung paano nila kiskisin ang kanilang mga palad na waring kating-kating gawin ang mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan ngayon.   “Baka naman gusto niyong sumama sa amin? Sakto, apat din kami. By pair na. Diba, pare?" Aya niya sa amin sabay bangga niya ng mahina sa balikat ng kasama niya sabay tawa pa.   Agad napantig ang aking taenga sa sinabi niya. Nagsalubong na rin ang kilay ko. Ang babastos nila. Mas inuuna pa pakinggan ang sinisigaw ng ulo sa baba kaysa sa ulo sa taas. Horny ewe gangsters talaga.   "We don't care kung bored ka sa ginagawa namin. Huwag mo kaming pakialam,” sabi naman ni Zeira. “Pakialam ba namin sa inyo? Kilala ba namin kayo?"   Kaya naiinis agad ang lalaking nagsalita dahil sa inasta ni Zeira at nagmaldita pa sa huli. Hihilahin sana niya si Zeira pero agad naman sinipa ng kambal niyang si Zaina ang kamay ng lalaki. Habang binibigyan ng masamang tingin.   Akala siguro ng mga ito ay masisindak kami sa laki ng mga katawan nila. Hays!   "Aba, pare! Matapang.” Masayang sabi nito. “Mas gaganahan ako ngayong gabi.” Nag-stretch pa ang lalaki kaya tumunog ang ibang buto niya sa kaniyang ginawa.   Bago pa nila magawa ang balak nila ay mabilis na lumagapak ang katawan ng apat sa harapan namin. Sinamaan tuloy ako ng tingin tuloy ng tatlo sa biglaan kong ginawa. Inayos ko ang aking damit na nagusot sa biglaang paggalaw ko. Nilagyan ko na rin ng alcohol ang mga palad ko dahil dumapi sa mga mukha nila ‘yon. Baka may germs. Ako ay nag-iingat lang.   "Inaantok na ako." Rason ko dahil halata naman na itatanong nila bakit ko ginawa iyon.   Ganiyan ako minsan pag-inaantok na ako. Wala na akong gana na makipaglaro kaya ako na mismo ang tatapos ng walang pasabi. Sumasakit na rin kasi taenga ko sa mga pinagsasabi nila sa amin.   I just want to show them na we are not cheap girls na kung saan papayag kahit saan at kahit kailan. May respeto kami sa sarili namin. Kaya kami napadpad dito because kaya namin i-manage ang sarili namin. Sana, ganoon din ang ibang babae o taong nakatingin sa gawi namin.   "Killjoy mo talaga kahit kailan, Thena,” sabi ni Persy na naiiling. “Akala ko makakapag-warm up na ako ulit. Hindi naman pala." Pout naman niya na handa na pa lang makipagbakbakan.   Doon ko lang napansin na ready na pala silang tatlo. Masyado lang siguro akong atat. Inaantok na rin kasi talaga ako.   "Next time na lang. Dapat 'yong malalakas." Jolly na sabi naman ni Zeira na ikina-sang-ayon ng kaniyang kambal.   Si Zeira kasi ay sobrang opposite kay Zaina kaya ganiyan na lang si Zaina makaprotekta sa kambal. Minsan tinatamaan ng mood swing niya at mas lalo na pagnagiging childish na. Minsan ay humahantong talaga kasi sa gulo.   Sa aming apat ako ang matanda sa kanila. Pero months nga lang at si Zeira ang bunso sa amin.   "Oo nga pala,” sabi ni Zaina nang may maalala siya. “Sabay na tayong lumuwas ng Manila ha? Sabay na rin tayo mag-take ng exam. Para cool at mas masaya." Dugtong niya bago kami maghiwalay ng landas.   Pagsakay namin agad ni Persy sa sasakyan ay mabilis niya agad 'yon pinaharurot para mabilis kaming makarating sa bahay. Ganoon din naman ang ginawa ng kambal ngunit sa kabilang direction papunta ang mga ito.   "Ang bilis niyo naman? 10 pa ng gabi ah?" Nagtatakang tanong ni tita na nasa sofa habang nanunuod sila ni ninang ng favorite movies nila.   They are cool, diba? Imbes na pagalitan kami ay supportive pa sila sa amin. Kulang na lang ay sabihin sa amin kung bakit kami umuwi ngayon.   "Timamaan na ng antok si Thena, Dada,” sagot naman ni Persy. “Mahirap na baka ako pa ang bogbogin niya. Alam mo naman na mas gugustuhin pa niyang matulog kaysa magtagal kami room." Pagbibiro pa nito.   Napansin ko naman na biglang pagbago ang ekspresyon nina tita pero agad namang nawala at sabay silang ngumiti sa amin. Nagkibit balikat na lang ako dahil baka ako ay namamalikmata lang. Epekto lang siguro ng alak na nainom ko kanina.   "Okay ka lang?" Natatawang tanong ni ninang na nakalapit na pala sa akin.   Ngumiti lang ako bilang sagot. Nagpaalam na aakyat na ako dahil tinatamaan na ako ng alak na ininom ko dahil ilang baso na rin naman ng alak ang naubos ko. First time ata. Mukhang umepekto rin kasi nga nakaramdam na rin ako ng antok talaga.   "Sleep well! I hope 'di ka na naman magka-hangover niyan. Magmumukha ka pa namang eweeee!" Biro ni tita sa akin kaya nag-toung out na lang ako.   Bully talaga kahit kailan.   Mabilis akong yumakap sa kanila bago pumanhik papunta sa aking kwarto.   Nang matapos akong maligo ulit at makapagbihis ay agad akong humiga sa kama. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa side table ko.   "Nakalimutan naming sabihin sa inyo. Sa araw ng graduation niyo ay may naghahamon sa atin. Pero mga 10 pa naman ng gabi ang laban natin." At alam ko na nakangiti na si Zeira sa kabilang linya.   Mukhang excited sila sa magaganap na laban. Sa sobrang excited ay hindi na nagawa pang mag-hello muna bago sabihin anong pakay nila. Sabagay, 'yon na rin ang magiging huli kasi lilipat na kami sa Manila.   "Ganoon ba? Alam na ba ni Persy ang tungkol dito, Zeira?"   "Oo, we texted her and she said okay naman as a reply. Tinawagan ka na namin kasi sabi ni Zaina baka 'di mo mabasa dahil alam mo na. Pagmadaming messages ay dine-delete mo agad without reading it," sabi pa niya.   "Buti tinawagan mo ako dahil plano ko sanang mang-delete bukas ng mga message sa inbox. Ang dami na kasi," nasabi ko na lang.   Narinig ko na lang ang tawa ng dalawa.   "’Yon na lang ‘yon? Inaantok na talaga ako. Patayin ko na ha?" Mahinang tanong ko.   Ramdam ko na bumibigat na talaga ang talukap ko. Hindi ko na talaga kaya. Mas masahol na ilang taon akong gising at ngayon lang ako matutulog dahil sa bigat ng talukap ko. Isama mo pa na bumibigat na rin ang aking katawan. Bago ko pa marinig ang sagot ng dalawa ay nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD