Ramdam ni Kimneth ang hapdi habang pinapalibutan ito ng apoy. Yung sakit na nilalapnos ang kaniyang mukha at buong katawan ay napapasigaw siya. Hanggang sa nawalan ito ng malay. Sa hindi kalayuan ay may nakakita sa nasusunog na sasakyan mula sa kinatatayuan ng mga ito. Kaya tumawag sila nang tulong at maya’t-maya ay dumating ang isang ambulansya. Walang nakakakilala kay Kimneth sa mga sandaling iyon. Hindi niya man lang magawang maimulat ang kaniyang mga mata dahil kahit ito ay nasunog. Nilagyan siya ng oxygen at tiningnan ang pulse rate. Dahan-dahan siyang inilapag sa stretcher pagkakuha sa kaniya mula sa nasusunog na kotse nito. Kahit ID o ano mang pagmamay-ari siya ay wala na. Sa pagsugod sa kaniya sa hospital ay tamang-tama naman na sa pagkakataong iyon ay dumalaw si Jane ang kaniyang

