Paano ba nagsimula ang lahat?
Nakatitig si Kimneth sa mga kandilang nasa mahabang mesa. Hinanda niya ang mga iyon kasi ngayon ang anibersaryo ng kanilang kasal ni Ellai. Tanging mga nakasinding iyon ang nagpapaliwanag sa paligid. Mga petals ng rosas ay makikita sa daan, lalo na ang isang bugkos ng mga bulaklak na nakalapag sa upuan ni Ellai. “Bakit wala pa siya?” tanong ni Kimneth sa sarili habang takam na takam ito sa hapunan na hinanda niya.
Panay usog at pag-abot ng pagkain ang ginagawa nito pero hindi niya kayang kumain na hindi niya kasama si Ellai. Ganoon ka mahal ni Kimneth ang asawa nito. Kahit kasalungat niya ang nakakaakit na asawa ay ang pagmamahal niya ang siyang dahilan kung bakit tinitiis niya ito.
Ang minutong paghihintay ay naging oras.
Maya’t-maya ay dumating ang kaniyang pinakahinihintay. Mga yapak niya ay palakas nang palakas. “Anong meron?” saad ni Ellai habang tinatanggal nito ang kaniyang mamahaling sapatos.
Tumayo naman si Kimneth at nilapitan siya. “First wedding anniversary natin,” pagpapaalala nito na nakapinta pa ang ngiti sa kaniyang mukha.
Nakaramdam siya nang lungkot ng hindi man lang binati siya ni Ellai.
Lumapit naman ang asawa nito sa hapagkainan at nagsabing, “kailangan mo talagang maghanda?” pag-iiling diri niya pa.
Sa ikalawang pagkakataon ay nilamon lungkot si Kimneth. “Mahalaga kaya ang araw na ito.” Pinaupo niya ang asawa nito at tumingin naman si Ellai sa kaniyang mga mata.
Pangiting sabi naman ng asawa niya sa kaniya, “siguradong may regalo ka para sa akin.” At unti-unting pinakita ang matamis na ngiti nito.
Napayuko si Kimneth. “Patawad Ellai, marami tayong bayarin.” Huminga siya ng malalim. “Marami tayong utang,” dagdag niya pa.
Pinaghahawi naman ng kaniyang asawa ang mga kandila at pagkain na hinanda ni Kimneth dahilan na matapon ang mga iyon. Pasigaw na sabi naman nito, “maraming bayarin pero nagawa mo pang humanda ng mga ito?!”
Lahat nang pag-aayos at pagmamahal na ginugol ni Kimneth mabigyan ang simpleng handa para sa kaniyang asawa ay nawalan ng halaga. “Binayad ko ang pera sa mga utang mo Ellai,” pag-uulit nito habang nagsasalita siya nang mahinahon.
Pinagduduro naman siya ni Ellai. “Ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit marami tayong utang?”
“Hindi naman sa ganoon,” pagtatanggi ni Kimneth.
Tumayo at humakbang papalayo si Ellai sa kaniya. “Kung bakit ba kasi nagpakasal ako sa mataba, panget at walang pera na kagaya mo!” pangdidiring sigaw ng asawa niya sa kaniya. “You know Kimneth,” pagsasalita niya pa habang kinukuha ang bag at sinuot ulit ang kaniyang sapatos. “I am so tired with this.” Halata sa mukha niya ang inis at galit.
Pagpipigil naman ni Kimneth kay Ellai, “teka huwag ka namang umalis.”
Sa halip na makinig sa kaniya si Ellai ay patuloy ito sa paglalakad na sinusundan naman siya ni Kimneth. “Not now Kimneth! Wala ako sa mood at mabuti pa na lumabas akong mag-isa.” Sabay pasok ni Ellai sa kaniyang sasakyan at pinaandar ang engine nito.
Hinabol naman siya Kimneth kahit wala itong suot na tsinelas. “Huwag mong gawin ito sa akin Ellai!” pagmamakaawang sigaw niya.
Mula sa bintana ay agad na binuksan ni Ellai ang salamin at sumigaw kay Kimneth, “bahala ka sa buhay mo!” At umalis siya na hindi man lang nakaramdam nang-awa.
Napaupo si Kimneth sa kalsada naghihintay na baka bumalik ang asawa nito pero walang Ellai na dumating.
Habang lungkot at hinagpis ang bumabalot kay Kimneth, si Ellai naman ay pumunta sa isang condo unit.
Panay pindot niya ng doorbell at bumungad ang isang lalaking bumukas ng pinto. “Ano ang sadya mo?” takang tanong nito.
Pumasok si Ellai at malakas na paghampas sa isang upuan ang paglapag niya sa kaniyang bag at sabay upo niya sa malambot na sofa. “Walang kwenta ang asawa ko!” sigaw niya pa.
Sa pagsara ng lalaki sa pinto ay unti-unti nitong lumapit sa likuran ni Ellai at minasahe ang kaniyang noo. “Relax, alam mo naman yung pera ng asawa mo ang siyang bumubuhay sa ating dalawa.” Sabay halik ng lalaki sa noo ni Ellai.
“Nakakainis kasi!” pagyayamot ng asawa ni Kimneth.
Agad siyang hinalikan ng lalaki sa kaniyang mga labi sabay sabing, “hayaan mo aalisin ko ang inis na nasa iyong katawan.
Habang si Ellai ay nagpapakasasa sa piling ng ibang lalaki. Si Kimneth naman ay mga luha ang siyang kasama. Nag-iisip kung ano ang mali sa kaniya. Na kung bakit iba na ang tingin ni Ellai na noon ay minahal siya ng tunay.
“Tinanggap ko siya ng buong -buo. Walang labis at walang kulang,” pagsasabi niya habang nakaupong mag-isa, hawak ang kanilang litratong magkasama at pagbabaliwala ang kaniyang nadarama. “Pangako mo pa noon na kahit ano ang mangyari walang magbabago sa atin,” sambit pa ni Kimneth.
Sa kabilang dako ay nanunod ng telebisyon sina Ellai at ang kinakasama niyang lalaki. “Ibang-iba ka talaga sa asawa ko. You are so hot,” saad niya habang pinipisil ang mga abs na malapit sa mukha nito.
Agad naman siyang tinitigan ng lalaki. “Alam mo naman na ikaw lang ang nakakatikim sa akin diba?”
Pangieng labi na sabi ni Ellai, “sa tuwing hinahalikan ako ni Kimneth, diring-diri ako sa aking sarili. Gusto kong magpakain sa mundo! Sa lupa!”
Tumawa naman ang lalaking nakatitig sa kaniya. “Pero kailangan mo siya,” saad pa nito.
Inilayo ni Ellai ang sarili sa pagkakasandal sa braso ng lalaking kaniyang kasama, “kaibigan niya si Jane Han Lim, the multi-billionaire.”
“Kaya pinakasalan mo?”
Tumango siya sa sinabi ng lalaki. “Sino ba magkakaroon ng kababatang binibigay lahat ng gusto diba?” Sabay hagis niya sa kaniyang mga kamay sa hangin. “Pero ang bob* ng asawa ko. Nahihiyang humingi nang tulong sa kaibigan niya.”
Hinawi ng lalaki ang buhok niya at hinalikan ang kaniyang leeg. “Hayaan mo na iyon. Sa susunod galingan mo kasing maghuthot ng pera sa kaniya.”
“Oo nga.” At tumawa silang dalawa.
(Ellai’s POV)
Hindi naman mangmang si Kimneth na hindi niya maramdaman na kung bakit wala akong ganang sumiping sa kaniya. Ibang-iba siya kay Reynold Gonzales. So hot, fierce, yummy and exciting, katiting lang ang matabang iyon sa lalaking nagpapasaya sa akin. “Gusto mong paliligayahin kita?” mapang-akit na bulong sa akin ni Reynold.
Hindi na akong nagdalawang isip at hinding-hindi ko siya tatanggihan, “yes, do it baby.”
Agad siyang tumayo sa harapan ko at unti-unting hinubad ang kaniyang damit. His body is full of muscles and his abs are smiling at me. Hindi ko napigilang hawakan iyon and I gently plant my kisses on those sinful arts in his body.
Tinitigan ko siya sa mga mata sabay sabi niyang. “Gusto mong sumubo?” kagat labi niyang tanong.
“Tatanggi pa ba ako?” bulong ko sa hangin.
He was the perfect guy for me. The perfect one na magbibigay sa akin nang saya sa tuwing uhaw na uhaw ako.
Unti-unti niyang binaba ang kanyang zipper na amoy na amoy ko ang paparating na kaligayahan na aming hinihintay.
Agad niyang hinawakan ang aking ulo at buhok. “Are you ready?” saad niya pa.
-_-_-_-
Noon pa man ay nakaramdam na nang pagdududa si Kimneth kay Ellai. Na kung bakit gabi na ito umuuwi, madaling maubos ang pera at walang ganang alagaan siya. Pero higit sa lahat ang kutob na iyon ay totoo.
Minsan, ang mga taong nagmamahal ay nakakaramdam din nang pagod. Pagod kung saan ay inaabuso na ng tuluyan pero hindi sumusuko.
(Kimneth’s POV)
Sinuyo ko ang kakilala kong director sa isang film na ipasok ang aking asawa para sa isang role na maari niyang pagbidahan. “Ellai?” tawag pansin ko sa kaniya habang kumakain kami ng breakfast.
“Ano iyon?” tanong niya habang nakatitig sa pagkaing nasa harapan nito.
Pangiting sabi ko, “I have a good news.”
Bigla siyang napangiti at nagsaad, “bibigyan mo ako ng pera?”
“Hindi.” Nainis naman siya sa sinabi ko. “Ikaw ang bibida sa script na ito.” Sabay bigay ko sa kaniya ang isang envelop na mula sa kakilala kong director.
Binuksan niya iyon habang nakatitig sa akin. Binasa at ang inis niyang mukha ay napalitan nang saya. “Oh my gosh! Dream role ko ito!” Tumayo siya at napatalon sa saya. “Thank you honey! Thank you!” Agad niya akong nilapitan, hinagkan at hinalikan ang aking kaliwang pisngi.
Habang niyayakap niya ako ay napahawak ako sa braso niya. “Dapat noon ko pa iyon binigay sa’yo pero hindi pa sigurado kasi.”
Ikinabigla ko noong hinalikan ako ni Ellai sa aking mga labi. “Thanks, honey!” sambit niya pa nang tuwang-tuwa.
“Merong bed scene sa script na iyan.” Hindi man lang siya nagtaka sa sinabi ko. “Ok lang ba iyan sa iyo?” saad ko.
Tumango siya. “Part iyon nang trabaho ko as an artist so it is fine.”
“Sino si Reynold Gonzales?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik kaya napaisip ako. “Siya ang magiging lead guy mo.” Pagkasabi kong iyon ay napawi ang kaniyang pagkabahala. “Ok ka lang ba?” pag-aalalang tanong ko.