HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikaapatnapu’t dalawang Kabanata KUNG ANG DRAYBER NIYANG SI RAUL ay ingat na ingat sa pagmamaneho, si Junger Jozzwick ay halos paliparin naman ang SUV despite the irritative fact that the other part of the road is damaged. Was she overthinking kung iisipin niya na baka sinasadya nito iyon upang magising si Ivor? Minamani lang nito ang mga lubak, napapasipol pa sa tuwing kumakalog o nagba-bounce ang sasakyan. At hindi lang isang beses niyang nakita sa rearview mirror ang nakakalokong ngisi nito pati na ni Atty. Primus Placido, while Matthieus Monférrer was all silent along the ride. Nais nang kuwestiyunin ni Sereia ang kapalaran niya sa araw na iyon kung talaga nga bang nailigtas siya sa kamay ng peligro. Bakit parang

