HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikatatlumpu’t apat na Kabanata PATULOY ANG panghihina ni Sereia. The pain in her chest was unbearable ngunit sinisikap niyang magmukhang maayos. Ngayon ang araw ng alis niya ng bansa kasama ang mag-amang Drake at Cathleen. “Sino po mas maganda sa ‘min ni Amber, Doc Sere?” Untag sa kanya ni Cathleen na nakaupo sa kanyang tabi. Naroon sila sa waiting lounge at hinihintay na lamang ang anunsiyo kung ng kanilang plane boarding. At habang lumilipas ang segundo ay tila namamanhid na ang sistema ni Sereia. Inuusig pa rin siya ng kanyang konsensiya hanggang sa mga oras na iyon at nangingibabaw sa kanyang dibdib ang kagustuhan na hindi tumuloy sa pag-alis ng bansa. Her heart was obsessively desire to not leave and just go b

