HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikaapatnapu’t Anim na Kabanata HINDI MAIPALIWANAG NI SEREIA ang nararamdaman na kahungkagan sa kanyang dibdib sa loob ng ilang araw. Nagpatuloy ang kanilang medical mission sa buong probinsiya at doon inabala ni Sereia ang sarili imbes na mag-isip-isip ng kung anu-anong bagay na hindi naman niya kailangan na isipin. Katulad na lamang ni Ivor. Mula nang manggaling sila sa bahay ng dalagitang si Jecca ay hindi na ito muli pang nagpakita katulad nang minsan nitong sinabi sa kanya na mapapadalas daw ang pagkikita nila habang umuusad ang medical mission sa probinsiya na kung saan ay ito ang Gobernador. Ivor was missing. Bagaman ay may mga tauhan pa rin ito at d-in-eploy na mga military personnel na tumutulong sa progra

