HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ang Huling Kabanata NAPABUGA NA LAMANG NG hininga si Ivor nang sa wakas ay natunton niya ang pakay na hindi kalakihan na c**k farm sa liblib na lugar na iyon. Nakatitiyak siya na iyon na nga ang itinurong farm ng mga taong napagtanungan niya sa daan kanina. Wasting no time, Ivor slid out of his sports car at napamura na lamang nang makita ang sinapit ng kanyang sports car. Naliligo iyon sa putik! Ivor could not stop himself from muttering a cuss. Ang sama naman talaga ng sinapit ng sasakyan niya. Dapit-hapon na at hindi magtatagal ay kakalat na ang dilim sa kapaligiran. He should be back in the city before sunset dahil alas sais ng hapon ang usapan nila ni Wind Westscott na babalikan siya nito sa Las Palmas upa

