HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikaapatnapu’t Walong Kabanata “HINDI KAMI MAKAPANIWALANG naririto kang muli sa bahay, hija. Kung nanonood man sa atin ngayon si Don Isidore ay tiyak na tuwang-tuwa ang ama mo.” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Manang Gloria habang pisil-pisil pa rin ang isang kamay ni Sereia. Malungkot na ngiti ang umukit sa mga labi ni Sereia nang maalala ang namayapang ama. Her heart is still longing for her father lalo na ngayon na naroroon na naman siya sa bahay ng kanyang ama. Ipinapangako niyang dadalawin ang puntod ng ama at dadalhin doon si Amber upang ipakilala ang anak. “Kumusta ho kayo rito?” Malumanay niyang tanong kay Manang Gloria at Freda. Manang Gloria carefully released her hand. Bumalik ito sa corner table at ipina

