"Sa ibang bansa pa naka-base ang designer ng singsing na 'yan, Wael. Mabuti at pinagbigyan niya ako." Kausap ni Wael ang asawa ng kaibigan at kasosyo niya sa Sweet Tiffany Company na kilala ngayon sa jewelry industry. Napalago niya ang negosyo sa tulong ng kanyang dalawang kapatid. May shares din sina Samir at Raji sa kumpanya niya. Sa ngayon ay may nakatalaga siyang CEO na isa rin niyang kaibigan at kasosyo dahil naging abala pa siya sa BLFC. Pero sa ikatlong taon ng Sweet Tiffany Company sa susunod na buwan ay nakatakda na siyang papalit bilang CEO ng kumpanya. Kasalukuyan siya ngayong naghahanap ng designer ng mga singsing dahil sa palagay niya'y nagiging plain na ang designs ng mga naka-display sa estante nila ngayon. He wanted something stunning. Something rich women would die for
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


