"Mrs. Burman? Do you hear me?" Napalingon si Raji sa kinaroroonan ng asawa at ng nurse na nagsalita. Kausap kasi niya ang doktor na malapit sa pinto dahil hinabol niya ito na dapat ay palabas na. Itinanong niya kung may paraan pa ba na i-transfer si Yana sa ibang ospital para maisangguni niya sa ibang doktor. Hindi na siya makapaghihintay pa ng isang araw ang lilipas nang hindi pa rin ito magkakamalay. "Anong nangyari?" Ginagap niya kaagad ang kamay ng asawa. "Gumalaw ho ang isang daliri niya kanina," wika ng nurse. "Wake up, Yana... Naghihintay na kami ng mga anak natin. Gumising ka na, please..." Hindi na siya tumigil na kausapin ang asawa. Kahit katiting na pag-asa na natatanaw niya ay ikagagalak ng puso niya ngayon. The movement of her fingers is a good sign. Gigising na ito. Per

