Hindi alam ni Raji kung paano haharap kay Yana ngayon matapos niyang mawalan ng kontrol sa sarili kanina. Totoong pinaniwalaan niya ang konklusyon na isa itong babaeng nagtrabaho sa club. Pero kaninang nasa kalagitnaan na siya ng foreplay ay nabago na ang paniniwalang iyon. She was innocent. She never had a lover. She didn't even know how to please a man in bed. Ang katangahan lang niya, nang ma-realize niyang wala talaga itong karanasan, nagtuloy pa rin siya. He could've been more gentle. Pero kumawala ang lahat ng pagnanasa niya kay Yana na hindi niya na magawang kontrolin ang sarili. It had been what? Two years? Ganoon yata siya katagal na walang nakatalik. At kaninang nasa harap niya ang isang kaakit-akit na babae ay umalpas lahat ng emosyon niya na tila along rumaragasa sa isang ilog.

