"Lilipat ka na ba talaga ng bahay, ate?" tanong ng bunso niyang kapatid nang simutin niya ang damit sa cabinet. "Oo, Dana. Mag-iingat kayong lagi ng Ate Rosette mo ha? Alagaan niyong mabuti si Mama." "Hindi ka ba natatakot sa lalaking kasama mo? Totoo bang nananakit siya, ate?" "Ha? Anong nananakit?" "Sabi kasi ni Papa noon, kaya hindi ka niya gustong ibigay sa asawa mo kasi sinasaktan ka niya." "Sinabi ni Papa sa inyo?" Napaupo siya sa kama hila ang kamay ni Dana. Ngayon lang niya narinig ang balitang iyon. "Hindi niya sinabi sa amin. Narinig ko lang na nagtatalo sila ni Mama. Ang sabi ni Papa, sinasaktan ka daw ng asawa mo noong nakatira ka sa kanila. Hindi mo lang daw sinasabi kasi baon tayo sa utang." "A-anong sabi ni Mama?" "Na wala na tayong magagawa kasi nakaasa

