"Oh I'm sorry!" malakas na sabi ni Lawrence nang makitang gising si Madeline kasabay ng pagkahulog niya sa kama. Hindi niya alam na kanina pa ito gising na nakikiramdam lang ang dalaga sa kaniyang sunod na gagawin. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Madeline. Nakaramdam siya ng takot na baka magalit ito sa kaniya at magawa nitong umalis sa kaniyang bahay. "I'm so sorry, Madeline... hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako kung naging mapangahas ako at nagawa kong halikan ka ng walang permiso," wika ni Lawrence sabay yuko. Pasimple niyang nakuyom ang kaniyang kamao at nainis sa kaniyang ginawa. Naisip niya na baka natatakot na sa kaniya si Madeline lalo pa't may hindi ito magandang karanasan mula sa kaniyang ama- amahan. May trauma ito sa ganoong bagay at nagawa niya pa it

