chapter 2: The Good Person

602 Words
Zach Roswell's P.O.V Maya maya napansin kong gumalaw and daliri ni shanelle. Kaya tumawag agad ako ng doktor. "Doc! Doc!" Maya maya may dumating na doktorat tiningnan ang kalagayan ni Shanelle. "Mr. Roswell ayos na po si Ms. Romero wla naman pong ibang kumplikasyon. Nahimatay sya kanina dahil sa mahina ang lungs nya to pump air. Madalas mangyari ito kung maysadong excessive ang movements nya at kapag pinapagod nya ang sarili nya". "Ah ganun ba doc, may kailangan po ba ako bilihin o ipainom sa kanya?" "Wla na po Mr. Roswell. But always make sure na may dala syang inhaler at di sya nagpapakapagod" "Ah ganun po ba , pwede ko na po ba sya idischarge?" "Yes po, sige una na po ako at may aasikasuhin pa akong ibang pasyente" "Sige doc, salamat" "Walang anuman Mr. Roswell" Pag alis ng doctor lumapit agad ako kay Lane. "Lane, ayos ka lang ba?" Mahinahon kong saad at hinawakan ang kanan nyang kamay. "Oo" "May gusto ka bang kainin, bibili ako sa baba" "Wag na busog pa ako, salamat na lang" "Sigurado ka?" Tumango lang si Lane. Nag aalala talaga ako sa kanya kanina. Maya maya niyaya nya na akong bumalik sa school. SA DAAN* "Lane , if you dont mind doon ka muna kaya sa c-condo k-ko?" Nag aalinlangan kong saad. Please lane wag ka tatanggi Napansin kong napamulagat sya sa sinabi ko. "Ha?, hindi na nakakahiya" "Sige na Lane, gusto kase kita alagaan" "Wala naman akong sakit saka ok na ako, magiging problema mo lang ako" "Please lane" pag mamakaawa ko "Wag na Zach" "Lane?" Naka pout kong saad. "Hys sige na nga magsasabi na muna ako kay daddy" "Talaga" naka ngiti kong saad "Oo nga, bakit ayaw mo? Sige ka babawiin ko na lang" "Ha? Sinong nag sabing ayaw ko? Wala nang bawian pumayag ka na eh" "Yun naman pala eh wag ka na kaseng makulit" "Cge po maam" Narinig ko pang napatawa sya sa inasal ko kaya tumawa na lang din ako. Habang nasa daan di ko maiwasang mapangiti. "Anong nginingiti mo dyan?" Saad ni Lane pero sadyang lumilipad ang isip ko. Nabigla ako ng bigla nya akong tapikin kaya natapakan ko ung break ng kotse ko dahilan para mapasigaw sya. "Ayos ka lang?" Nag aalala kong saad. "Ano ba kasing natakbo sa isip mo? Papatayin mo ba ako?" Sunod sunod nyang saad na halatang galit.. Patay! "Ah eh sorry" "Pag kasi nag mamaneho sa daan ang focus hindi kung ano ano yung iniisip hys" Sermon nya sa akin. "Opo sorry na talaga" saad ko na malungkot "Hys ok lang nabigla lang ako sorry kung nasigawan kita" Makalipas ang mahigit walong minuto naka rating na kami sa school. Shanelle Lane Romero's P.O.V Nakarating na rin kami sa school. Grabe mga teh! Nasigawan ko pala si Zach .... OMAYYGASH.....NAKAKAHIYA! "Hmm"pam babasag ko sa katahimikan naming dalwa habang nag lalakad. Nagulat pa ako ng biglang tumingin sa akin si Zach. Mukhang galit sya pero sana wag naman. "Yes?" Saad nya. Ngunit wala akong makitang kahit isang emosyon sa mukha nya. Patay! "Uhm...nagreply na si dad"nahihiya kong saad. "Ano sabi?" Saad nya. Nabigla pa ako ng biglang magbago ang itsura nya. Kung kanina ay wala itong ipinapakitang kahit isang emosyon. Ngayun ito'y nakangiti na halos umabot na sa tenga. Ang weird nya talaga!. "Pumayag sya"nahihiya kong sagot sa tanong nya. "Talaga?" "Oo" "Good to hear, so saan mo gusto kumain mamaya ng dinner?" "Kahit saan, ikaw bahala" Napansin ko ang pag bago muli ng emosyon nya kung kaninang kausap ako neto at nakangiti ngayun naman ay halos nakakamatay ang tingin neto. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD