Kailan nga ba huli siya sumakay sa kabayo? Ah,noong kinze añoz pa ata siya. May pacowboy kasi ang papa niya. Bigla niya tuloy namiss ang kanya mga magulang dati habang nandito sila nagbabakasyon noon palagi sila nagpipicnic sa may malapit sa talon. Kaya naman sakay ng kabayo tinungo niya ang kinaroroonan ng talon. Malayo pa lang naririnig na niya ang pagbuhos ng lagaslas ng tubig na bumabagsak mula sa itaas ng talon. Bigla siya binalot ng excitement at katuwaan. Matagal na siya hindi nakakita ng talon ulit. Pag-aari ng pamilya nila ang bahagi ng lugar nito kaya wala sinuman ang trespassing na nakakapasok dito pero akala niya kapag private property wala mangangahas dahil may natanaw siya paggalaw sa ilalim ng tubig. Inihanda niya ang dala baril at bumaba ng kabayo pagkatapos maitali sa

